MATABIL
ni John Fontanilla
IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan.
Ito ang kanyang inspirasyon para maging mahusay na singer and performer.
Tsika ni Hana Joan sa matagumpay na One Last Time (Charity Concert part 2) ni Aries Concepcionnoong June 28, 2026 sa
Bar IX, Molito Alabang, “My favorite singer is Regine (Velasquez), bukod kasi sa napakagaling niyang singer ay napakahusay din niyang performer.
“Si Regine ‘yung isa sa inspiration ko sa pagkanta at para mas maging magaling na singer and performer, hopefully makasama ko siya o maka-dueto someday.”
Habang ang I Will Survive naman ang kantang paborito niya na sumasalamin sa pinagdaanan niya sa buhay mula noon hanggang ngayon.
“My favorite song is ‘I will survive,’ why? Because, riyan nag-start ang aking survival.
“Marami akong struggles in life, pero habang tumatanda tayo nalalagpasan natin ‘yun.
“And here I am now, okey na okey na. I have company in Japan, and I have company in Malaysia. ‘Yun ‘yung wino-workout namin ngayon para mas maging okey pa.”
Bukod sa pagiging mahusay na singer at successful businesswoman, isa rin itong beauty queen, na siya ang itinanghal na Mrs Cosmo Classic 2026.
“I am Mrs Cosmo Classic 2026, ako ‘yung nanalo, bale ini-represent ko ‘yung Japan sa Mrs Cosmo 2026, kasi nga Japan base ako.
“And nakoronahan ako bilang Mrs Cosmo Classic 2026.”
Sa ngayon ay nagpaplanong mag-record ng sariling kanta si Hannah, naghahanap lang siya ng right timing at tamang kanta na babagay sa kanya sa tulong ni Aries.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com