Tuesday , June 30 2026
Katrina Halili

Katrina tinanggap award ni Kris

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa aktres na si  Katrina Halili nang tanggapin ang tropeo bilang Male R&B Artist of the Year na pinanalunan ni Kris Lawrence sa 17th  PMPC Star Awards for Music na ginanap  sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City noong Huwebes.

Nagwagi si Kris  para sa kanyang awiting Within

Hindi siya nakadalo dahil nasa Amerika at may series of shows kaya naman kinausap daw nito si Katrina para tanggapin ang kanyang award.

Speech nga ni Katrina nang tanggapin ang award ni Kris, “Dahil wala si Kris Lawrence, ako ang naatasang tumanggap ng parangal.

“At dahil wala rin naman kaming taping, narito ako.

“Isang malaking karangalan para sa akin na tanggapin ang PMPC Star Awards na ito sa ngalan ni Kris Lawrence, na hindi makadadalo ngayong gabi. Taos-puso ang kanyang pasasalamat sa PMPC para sa pagkilalang ito, gayundin sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.”

Kaya naman marami ang nagsasabing mukhang nagkabalikan na ang dalawa at inililihim lang sa publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kim Chiu Ryzza Mae Dizon

Kim Chiu kinainisan biro patungkol kay Ryzza Mae 

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ng netizens ang biro ni Kim Chiu kay Eat Bulaga host, Ryzza Mae Dizon. Sa …

Bryan Dy Vice Ganda White Party

White Party nakalikom ng P1-M para sa HIV advocacies

HARD TALKni Pilar Mateo GAYA ng isang ibong nag–apoy, ang phoenix sa mga kwentong griyego, …

Bris Hair

Kathryn metikoloso sa buhok; Bris Hair nina Mike at Lovely sagot sa buhaghag na buhok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez METIKOLOSO sa buhok si Kathryn Bernardo kaya ito ang nagtulak kay Mike Feliciano, salon …

Vice Ganda Sexbomb White Party

Vice Ganda pasabog sa White Party Manila; Sexbomb pinarangalang Gay Icon of the Year

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKALULULA ang laki at napakagarbo ng pagdiriwang ng White Party Manila Pride …

Dingdong Dantes The Master Cutter

Dingdong series mapapanood sa 4 na channels

I-FLEXni Jun Nardo HINDI lang isa o dalawang free TV channels mapapanood mamayang gabi ang The …