Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte 2028

Para sa 2028 national elections 
VP SARA NAGDEKLARA TATAKBONG PRESIDENTE

HATAW News Team

TATLONG buwan at dalawang taon o eksaktong 820 araw bago ang national elections, nagdeklara si Vice President Sara Zimmerman Duterte – Carpio na siya ay tatakbong presidente ng Filipinas sa Mayo 2028.

“Ako si Sara Duterte tatakbo bilang pangulo ng Filipinas,” anunsiyo ni VP Sara, sa ipinatawag na press conference kahapon.

Una sa naturang press con, ipinag-utos ni VP Sara ang pagtanggal ng logo ng Office of the Vice President sa podium.

Sa kanyang talumpati, humingi siya ng paumanhin para sa kanyang mga naging desisyong pampolitikal.

“Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Patawad kung tinulungan kong mahalal si BBM bilang Pangulo ng ating bansa,” aniya.

Sinabi ng Bise Presidente, nabigo si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na tuparin ang mga ipinangako sa mga mamamayan noong panahon ng kampanya at gampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin.

Inihayag ni Duterte na bumaba siya sa kanyang posisyon sa gabinete dahil hindi niya kayang suportahan ang 2025 national budget na ‘tadtad ng katiwalian’.

“Dahil hindi ko kinayang maging bahagi ng 2025 national budget na tadtad ng katiwalian, pinili kong umalis sa Gabinete,” diin ni VP Sara.

Inisa-isa ang aniya’y mga kabiguan ng administrasyong Marcos gaya ng patuloy na pagbaha, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kawalan ng seguridad sa pagkain, mahinang healthcare systems, mga impraestruktura, pagdami ng mga krimen, pamamayagpag ng ilegal na droga, at terorismo.

Binatikos din ang tinawag niyang kawalan ng malinaw at independiyenteng foreign policy ng pamahalaan.

Hindi pinalampas sa kanyang talumpati ang mga politically motivated na aksiyon ng pamahalaan laban sa kanya.

Aniya, “Matagal na akong inaatake gamit ang buong makinarya ng kapangyarihan.”

Dagdag niya, bagamat hindi natatakot para sa kanyang sarili, nangangamba siya para sa kinabukasan ng bansa, at ng mga susunod na henerasyon.

Sinabi ng Bise Presidente, ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ay isang pag-aalok ng serbisyo imbes pag-apela ng simpatiya.

“I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness. Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation,” aniya.

Matapos ang binasang limang pahinang talumpati, hindi sumagot si VP Sara sa mga katanungan mula sa mga mamamahayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …