Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Imee Marcos Robin Padilla

Mula sa Marcos-Duterte
Duterte-Marcos sa 2028, kina-career ni Robin

MAKARAANG ideklara ni Vice President Sara Zimmerman Duterte – Carpio na tatakbo siyang presidente sa eleksiyon sa 2028, agad isinulong ni Sen. Robin Padilla na maging running mate niya si Sen. Imee Marcos.

                Kung noong 2022 national elections, tahasang sinuportahan ni Robin ang Marcos-Duterte (BBM-Sara) tandem, ngayon naman ay Duterte-Marcos (Sara-Imee) na nagsusulong ng kapwa babaeng kandidato sa pinakamataas na pampolitikang posisyon sa bansa.

Sa panayam, sinabi ni Padilla na “one thousand one million percent” ang suporta niya sa kandidatura ni Duterte at si Marcos ang nais niyang maging ka-tandem nito.

Ani Padilla, panahon na para maramdaman ng mga Pinoy ang “girl power” o dalawang babae sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Agad tiniyak ni Padilla na hindi siya tatakbong bise presidente ni Duterte dahil matagal na niyang kinakampanya ang Sara-Imee tandem.

“Ano ako e, Sara-Imee ako e…pagka umiikot ako sa ibang bansa ‘yun palagi ang sinasabi ko, Sara-Imee,” sabi ni Padilla.

Wala rin nakikitang masama si Padilla sa maagang deklarasyon ni Duterte na tatakbong presidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …