Wednesday , June 3 2026
Binondo chop-chop body sa drum

Nilagyan ng condiments para ‘wag mangamoy
Suspek sa Binondo ‘chop-chop’ body sa drum arestado

NASAKOTE ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang 64-anyos lalaki na itinurong sangkot sa kaso ng ‘chop-chop body’ ng isang lalaki na inilagay sa drum at binudburan ng condiments bago ipinatapon sa mga basurero sa Binondo, Maynila, kamakailan.

Sa ulat mula kay Pasay City Police Station (CPS) chief, P/Colonel Joselito De Sesto, madaling araw nitong Miyerkoles nang madakip ang suspek na si alyas Victor, base sa intelligence gathering, pakikipag-ugnayan sa Highway Patrol Group (HPG), at sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay De Sesto, kasabwat ang nadakip na si alyas Victor na siyang nagbiyahe ng drum patungo sa Binondo, Maynila.

Matatandaang ang bangkay sa drum ay nadiskubre 7:30 ng gabi noong 15 Pebrero 2026 nang ireport ng concerned citizens na inabandona sa Mel Lopez Boulevard, Barangay 275, Zone 3, Binondo, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay isang Chinese national habang ang utak sa krimen na may-ari ng van na minaneho ni alyas Victor ay isang Chinese rin.

Nakita sa footage ang isang mistulang lalaking Chinese habang nagpapatulong sa security guard ng condominium sa pagtulak ng drum mula sa 15th floor  (15/F).

Pinuntahan ng mga awtoridad ang unit na pinangyarihan ng krimen na hinihinalang sa banyo isinagawa ang pagkatay, habang ang pananaksak ay sa kama, dahil sa mga naiwang talsik ng dugo sa headboard at mga dugo sa unan.

Natagpuan sa banyo ang marami at iba’t ibang condiments na ibinuhos umano sa kinatay na katawan na isinilid sa drum upang hindi umalingasaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …