Thursday , July 2 2026
VIVA The Next Big Star

SINO ANG SUSUNOD NA SUPERSTAR? 
Cristine Reyes at 2 batikang direktor hahanap ng bagong Viva’s Next Big Star

ni Allan Sancon

MAINIT na agad ang usapan sa Viva’s Next Big Star ng Viva One dahil bukod sa matitinding talent showdown, nagsisimula na ring pagdiskitahan ng fans ang mga posibleng loveteam sa walong finalists. Sa pangunguna ng mga hurado at mentors na sina Cristine Reyes, Direk Mac Alejandre, at Direk Jason Paul Laxamana, hahanapin sa kompetisyon ang susunod na artista na may kompletong package—looks, talento, disiplina, at star quality na kayang magningning sa telebisyon, pelikula, at digital platforms.

Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang walong finalists na handang patunayan na sila ang susunod na malaking bituin ng Viva. Sila ay sina Miguel, ang Sweet Cheerful Boy ng Davao City; Kurt, ang Gamer-tista ng Rizal; Mish, ang Hobby Hoarder ng Davao City; Lougee, ang Charming TikToker ng Caloocan City; Jaycee, ang Popstar ng Laguna; Calvin, ang Martial Artist ng Parañaque; Mina, ang Rising Superstar ng Muntinlupa; at Jamie, ang Shy Sweetheart ng Bulacan.

Bawat isa ay may kakaibang personalidad at talento na tiyak na susubaybayan ng mga manonood.

Ayon kay Direk Jason Paul, kapansin-pansin ang natatanging potensiyal ng walong finalists. Naniniwala siyang bawat isa ay may sariling “spark” at personalidad na maaaring magdala sa kanila sa tagumpay. Para sa kanya, hindi lang talento ang kailangan ng isang artista kundi ang sipag, dedikasyon, at kakayahang tumanggap ng mga hamon habang patuloy na hinuhubog ang kanilang kakayahan.

Para naman kay Direk Mac, malaking bagay ang ipinakikitang determinasyon ng mga finalist. Aniya, kitang-kita ang kanilang kagustuhang matuto at ang pagiging bukas sa gabay ng kanilang mentors. Dagdag pa niya, ang tunay na artista ay hindi lamang mahusay sa harap ng kamera kundi marunong ding tumanggap ng puna upang lalo pang umunlad.

Hindi rin maitago ni Cristine ang paghanga sa walong contenders. Ayon sa aktres, bawat finalist ay may sariling ningning at may kakayahang maging susunod na leading star ng Viva. Para kay Cristine, ang pagiging mapagpakumbaba, propesyonal, at handang magsumikap ang ilan sa mga katangiang magdadala sa kanila sa pangmatagalang tagumpay sa industriya.

Bukod sa kompetisyon, kinikilig na rin ang ilang viewers sa posibilidad ng mga bagong loveteam. Sa isang panayam, inamin ni Calvin na bukas siya kung bibigyan ng ka-love team. 

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatambal, sinabi niyang si Jaycee ang una niyang naiisip dahil naniniwala siyang may magandang chemistry silang maipakikita sa harap ng kamera. Para sa kanya, handa siyang tanggapin ang anumang oportunidad na ibibigay ng Viva upang mas mapatunayan ang kanyang kakayahan bilang artista.

Ganoon din ang pananaw ni Miguel, na nagsabing willing din siyang magkaroon ng loveteam kung iyon ang makatutulong sa kanyang career. Kung siya ang papipiliin, gusto niyang makatambal ang kapwa Davaweña na si Mish. Ayon kay Miguel, malaking advantage ang pareho silang lumaki sa Davao dahil komportable na sila sa isa’t isa at naniniwala siyang magiging natural ang kanilang samahan sa harap ng kamera. Hindi naman itinanggi ng fans na may potensiyal ding kiligin sa tambalan nina Miguel at Mish.

Sa direksiyon ni Ryan Evangelista, masisilayan ng viewers ang tunay na paglalakbay ng walong finalists—mula sa kanilang training, backstage preparations, acting workshops, at matitinding challenges hanggang sa paghubog sa kanila bilang mga future star. Habang papalapit ang bawat elimination, lalong tumitindi ang tanong ng mga manonood: Sino ang magiging susunod na Viva superstar, at sino naman ang unang loveteam na mamahalin ng buong bansa? 

Alamin ang sagot sa Viva’s Next Big Star, na may bagong episodes tuwing Biyernes, streaming eksklusibo sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …

Katrina Halili

Katrina tinanggap award ni Kris

MATABILni John Fontanilla ISANG malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa aktres na si  Katrina …

Jos Garcia Nolo Lopez PMPC Star Awards for Music

Jos at Nolo emosyonal sa 17th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDAGDAG ng panibagong mahalagang tagumpay sa kanilang karera sa musika ang singer-songwriter …

Bryan Dy White Party Vice Ganda

White Party Manila pinadagundong World Trade Center, Bryan Dy sobra-sobra pasasalamat

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-ENGRANDE ng katatapos na White Party Manila Pride Month na hatid ng Mentorque Productions ni Bryan Dy last …

Globe SPEEd The Eddys

Globe at SPEEd sanib-puwersa pagkilala sa galing ng pelikulang Pilipino sa The 9th EDDYS

MULING masasaksihan ang malaking koneksiyon ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) at Globe sa nalalapit na The 9th Entertainment …