Wednesday , June 24 2026
Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Wellness mahalaga para kay Teejay Marquez, enjoy sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA isang industriya na ang mahahabang araw ng shooting at taping, walang katapusang trabaho, at mabibigat na iskedyul ay naging karaniwan na, ang paglalaan ng oras para sa wellness ay naging mas mahalaga ngayon.

Minsan, ang pinakamagandang magagawa mo para sa iyong sarili ay ang huminto sandali, mag-recharge, at mag-unwind.

Ito ang ibinahagi ng BlueWater Day Spa endorsers na sina David Licauco, Fabio Ide, Ellen Frojd, Teejay Marquez, at ang newest endorser na si Janeena Chan sa ginanap na “Summer Unwind” event sa BlueWater Day Spa, Eton, Greenhills.

Lahat sila ay nagsabi ng kahalagahan ng wellness sa araw-araw na pakikibaka sa buhay. Pati na ang balanced, rejuvenation, self-care, at makapag-recharge na naibibigay sa kanila ng BlueWater Day Spa. 

Present sa naturang event ang kanilang President and CEO na si Mary Simisim at Operations Manager na si Nancy Go. 

Para naman kayTeejay, na madalas na may trabaho sa iba-ibang bansa, ang pagpapanatili sa kanyang physical and mental wellness ay naging mahalaga upang makasabay sa kanyang fast-paced na lifestyle.

Ipinahayag ng actor at content creator kung gaano kahalaga ang paglalaan ng oras para mag-recharge, na patuloy na nagbibigay sa kanya ng positive energy.

Esplika niya, “Iniingatan natin ang ating health, eating the right food, work out, mga vitamins, and definitely twice or thrice a week, basta every time na may free time ako diretso na ako, magpa-massage, nagpupunta ako sa BlueWater Day Spa.   

“Nagpapa-service ako rito, kasi nakaka-recover talaga ako, maganda sa katawan, maganda sa blood circulation.”

Dagdag pa ni Teejay, “For me kasi, sulit talaga iyong experience, sabi nga nila iyong ambiance… But iyong service at iyong massage nila. talagang paglabas mo, you will really be recharged. So, masusulit talaga ang pagpunta mo rito. it’s the experience itself, babalik-balikan mo talaga ang BlueWater Day Spa.”

Mayroon ba siyang bisyo?

“Siguro iyong puyat… pero ang bisyo ko ngayon ay yung shopping online ng mga antique pieces. So, kapag wala akong ginagawa, naghahanap ako sa mga antique shop ng mga puwede kong makolekta. Iyon muna ang bisyo ko ngayon,” nakatawang sambit ni Teejay.

Anyway, sa higit sa dalawang dekada, ang  BlueWater Day Spa ay nananatili bilang isa sa nangungunang wellness destinations sa bansa, na may wide range ng treatments upang tulungan ang mga guest na makamit ang relaxation, rejuvenation, at overall well-being.

Ang okasyon ay naging daan at nag-highlight din sa ilan sa BlueWater Day Spa’s most sought-after services, kabilang na rito ang signature Chiang Mai Massage, ang restorative Thai Yoga Massage, at ang advanced 5D Laser Treatment.

Ayon sa BlueWater Day Spa President and CEO na si Ms. Simisim, ang event ay ginawa bilang paalala sa lahat na ang wellness ay hindi dapat tignan bilang occasional indulgence, subalit bilang isang mahalagang bahagi ng araw-araw na pamumuhay.

Sa pagpapatuloy ng summer, umaasa silang magbigay pa ng inspirasyon sa mga Filipino na unahin at pahalagahan ang kanilang sarili, maghinay-hinay kung kailangan, at maglaan ng oras para ma-recharge.

Ang BlueWater Day Spa ay may branches sa Banawe, Quezon City; Eton Square Ortigas in Greenhills, San Juan; at Estancia Mall in Pasig City.

Para sa karagdagang info, follow @bluewaterdayspaofficial on Instagram and TikTok, and bwdspa on Facebook.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …