Wednesday , June 24 2026
NUSTAR Online Binibini

NUSTAR Online inilunsad public online voting sa NUSTAR Online Binibini

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga sa kompetisyon sa pamamagitan ng kapana-panabik na online campaign na makatutulong para matukoy ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini.

Idinisenyo upang ipagdiwang ang kagandahan, kompiyansa, at pagpapakatotoo, kinikilala ng espesyal na titulo na ito ang kandidata ng Binibining Pilipinas na siyang may pinakamahusay na kumatawan sa mga pagpapahalagang itinataguyod ng NUSTAR Online at matibay na kinatawan sa online community.

Bago ang panahon ng pagboto, ang eksklusibong NUSTAR Online promotional video ay naipalabas na sa mga opisyal na Facebook at Instagram page na ang mga kandidata ay ipinakikilala ang kanilang mga sarili at ibinabahagi ang kanilang pananaw sa mga pangunahing haligi ng pageant – Katawan, Kagandahan, at Personalidad. Bilang bahagi ng kaparehong produksiyon, gumawa ng patalastas pang-telebisyon o TVC para sa ugnayan ng BBP x NUSTAR Online na ipalalabas sa susunod na mga araw.

Ang promotional video at TVC ay hindi bahagi ng opisyal na botohan, pareho itong nagsisilbi bilang mahahalagang touchpoints na nagbibigay diin sa indibwalidad na mga kandidata at nagpapakita ng matibay na ugnayan sa Binibining Pilipinas at NUSTAR Online.

Ang magiging basehan ng opisyal na botohan ay ang headshot ng mga kandidata at kanilang larawan na naka-swimsuit, na itatampok ang mga ito sa mga NUSTAR Online platform.

Ang botohan para sa headshot category ay magaganap sa NUSTAR Online FB at IG pages na nagsimula na noong Hunyo 5 at magtatagal hanggang Hulyo 17, 2026 samantala ang botohan para sa swimsuit category ay naganap sa NUSTAR Online website simula Hunyo 15 hanggang Hulyo 17, 2026.  Ang mga tagasuporta ay hinihikayat na sumali at magpakita ng suporta para sa kanilang paboritong Binibini sa buong panahon ng botohan. Para sa kompletong mechanics ng botohan, bisitahin ang NUSTAR Online FB page.

Ang kandidata na makakakuha ng pinakamataas sa overall online voting engagement ay makakamit ang 50% sa final score habang ang natitirang 50% ay tutukuyin ng NUSTAR Online Management base sa pagganap ng kandidata at partisipasyon nito sa naturang ugnayan o partnership.

Ang mananalo sa titulo ng inaugural NUSTAR Online Binibini ay tiyak na makakapasok sa Top 12 Finalists at iaanunsyo ito sa Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas sa Hulyo 18, 2026.

Higit pa sa inaasam-asam na titulo, asahan na ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini ay magkakaroon ng mga kapana-panabik na oportunidad, eksklusibong pakikipagtulungan at mga kapaki-pakinabang na karanasan sa NUSTAR Online, na higit pang magpapatibay ng kanyang paglalakbay hindi lamang sa pageant stage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …