Friday , June 12 2026
Dragon Lady Amor Virata

Rollback sa presyo ng petrolyo ‘tinatsani’

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HINDI nasisiyahan ang taong-bayan sa mabagal na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kung meron man ay P2 lamang at matagal bago umulit.

         ‘Tsaning-tsani’ ang rollback pero ang price hike, mas malakas pa ang sirit sa petrolyo.

         Ano na ba ang nangyayari sa ating gobyerno? Kumusta naman ang Department of Energy (DOE)? Parang hinahayaan n’yo lang humapay ang industriya ng transportasyon na ang pangunahing puhunan ay sasakyan na nangangailangan ng petrolyo.

Ang ekonomiyang Pinoy, binansot na ng korupsiyon, pinakupad ng inflation, at ngayon naman parang gusto pang mabalaho ang mga breadwinner na ang hanapbuhay ay nasa industriya ng transportasyon.

Marami sa mga bagong sasakyan ngayon ang hybrid pero diesel ang krudo at puwede sa koryente.

Mas kailangan ng mga driver ang malawakang price rollback sa gasolina partikular sa mga driver na halos wala nang perang naiuuwi sa kanilang pamilya dahil mataas pa rin ang presyo ng petrolyo.

Ang mga TNVS driver ay umaangal na rin dahil ubos ang kanilang kinikita sa gasolina, suwerte nang makapag-uwi sila ng P500.

Karamihan sa TNVS driver ay kumuha ng sasakyan thru bank financing, kay may hinuhulugan sila kada buwan.

Ilang taxi driver ang nakausap natin at nagmamakaawa talaga sila na kailangan ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo. Dahil sa pagtaas ng presyo nito ay hindi na nila napapakain nang sapat ang kanilang pamilya.

Ang running joke nga ngayon, gasolina o diesel ang ninanakaw ngayon hindi na ginto.

Dama natin ang hirap na dinaranas ng mga taxi drivers ngayon dahil halos araw-araw natin silang nakasasalamuha.

Sabi ng mga pasahero ng taksi, kung may sukli na bente pesos, ‘wag mo nang asahan na susuklian ka dahil pagkaabot mo ng bayad, ‘THANK YOU’ ang isusukli sa into. Hindi mo magawang magalit dahil totoo ang kanilang dahilan.

Menor de edad bawal na sa social media

Tama ba na isinusulong sa Senado ni Senator Sherwin Gatchalian na pagbawalan ang mga menor de edad na sobrang maging aktibo sa social media?

Siguro mas dapat ipagbawal ang mga bastos at mga pagmumurang mga salita sa social media.

Mas mainam na ang mapanood ng mga menor de edad ay mga panoorin na kaaya-aya sa kanilang mga murang edad.

Partikular dito ay mga dispalinghadong post na inaabuso sa usaping pampolitika.

‘Yan ang dapat gawin ni Senator Gatchalian. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Chiz dumating sa plenaryo
ANO ANG NASA LIKOD NG KANYANG DESISYON

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga nagkakasalungatang kampo sa Senado, madaling mawala sa …

Sipat Mat Vicencio

Peke ang Blue Ribbon Committee hearing ni Matet

SIPATni Mat Vicencio “HINDI na po ako papayag na mag-hearing-hiringan kayo riyan, and I will …

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …