MAY bagong dapat abangan ang mga food lover dahil may bago sa menu ng Subway® Philippines, ang Cheesy Chicken Italiano, isang sandwich na may authentic Italian twist na swak sa panlasa ng mga Filipino. Solo craving, quick bite, o salo-salo kasama ang barkada at pamilya, perfect ito para sa kahit anong okasyon.
Patuloy na naghahatid ang Subway® Philippines ng mga bagong flavor na swak sa panlasa ng mga Filipino. Ngayon, ipinakikilala nila ang isang Italian-inspired sandwich na tiyak papatok sa panlasa ng kanilang diners. Ang Cheesy Chicken Italiano ay may masarap na kombinasyon ng savory, cheesy, at tangy na lasa na nagbibigay ng kakaiba ngunit comforting na lasa sa bawat kagat.
Sa sandwich na ito ay may malinamnam na chicken na pinasarap pa ng triple-cheese blend: sliced cheese, mozzarella at ang Lady’s Choice Cheddar Cheese Mayo. Mayroon din itong tangy marinara sauce na nagbibigay ng extra flavor, at ang fresh vegetables ay nakadaragdag ng crunch at freshness. Lahat ng ito ay inilagay sa bagong lutong Parmesan Oregano bread, kaya malalasap mo ang cheesy at savory goodness na maghahatid ng bagong sandwich experience.
Available ang Cheesy Chicken Italiano sa iba’t ibang sizes. May 6-inch sub sa halagang ₱220, footlong sa halagang ₱430, at wrap sa halagang ₱230. Maaari rin itong i-upgrade sa meal: magdagdag lang ng ₱105 para sa 22-oz drink at choice of 2 cookies o 1 pack ng chips, perfect para sa mas busog at satisfying na kainan.
Maaaring mag-iba ang presyo depende sa branch.
Ang bagong sandwich na ito ay swak sa kahit anong lifestyle, puwedeng pang-reward sa sarili pagkatapos ng isang busy na araw, pang-merienda kasama ang mga kaibigan, o pang-salo-salo kasama ang pamilya. Dahil sa kombinasyon ng pamilyar at exciting nitong lasa, isa itong must-try para sa mga naghahanap ng masarap at satisfying na pagkain.
Sa paglabas ng Cheesy Chicken Italiano, ipinakikita ng Subway® Philippines ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng masarap at de-kalidad na pagkain na puwedeng pagsaluhan sa anumang okasyon. Sa pagsasama ng global flavors at mga sangkap na patok sa panlasa ng kanilang mga customer, patuloy silang naghahatid ng panibagong dining experience ang bawat Filipino.
Ready ka na bang tikman ang bagong flavor experience?
Available na ang Cheesy Chicken Italiano sa lahat ng Subway® Philippines stores nationwide. Perfect ito para sa solo meal, quick bite, o salo-salo kasama ang mga kaibigan o pamilya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com