Joel Cruz Aficionado The House of Scents

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MUKHANG wala talaga sa bokabularyo ng isang Joel Cruz na tumigil sa pagpapatuloy ng kanyang mga negosyo, yaman, at panay na ang pag-angat niya sa buhay.

Sa Amerika, ilang lote na ang nabili niya. At napatayuan na ng mga bahay na pinarentahan din niya para kahit wala siya roon ay umaakyat ang kita nito.

At kamakailan sa  Fukuyama, Japan naman niya naisipang bumili ng property. Kaya panay ang lipad niya roon para tingnan din ang ikot ng negosyo dahil naisipan din niyang parentahan ang mga ito.

Tanong ko nga sa kanya eh, kung plano ba niyang bumili ng bahay sa bawat bansang tatapakan niya?  Natawa ito.

At  kahit nga may mga negosyo pala siyang tumiklop, gaya ng kanyang Takoyaki House, hindi naging dahilan ‘yun para panghinaan ng loob.

Marami na palang naging demands ang ilan sa mga tauhan niya. Bukod pa sa tumaas na rin ang mga kailangan niyang bayaran sa mga ginagamit nila gaya sa kanyang commissary.

Ang hindi pwedeng matinag sa Lord of Scents ay ang kung ilang taon niyang binunong Aficionado Perfumes.

At bilang regalo niya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang pabango na nilinaw niyang hindi kopya sa mga existing ng branded perfumes, may bagong lines of perfumes itong inilunsad sa kanyang The House of Scents sa Trinoma na pormal na binuksan noong Nobyembre 23, 2026 kasama ang kanyang partners, suppliers, mga malalapit na kaibigan at ang kanyang mga anak.