Rayver Cruz Julie Anne San Jose

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA wakas, haharap na sa dambana ang limang taon ding magkarelasyon na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose matapos umoo nang alukin ng una ng kasal ang huli. 

Ibinahagi ni Rayver ang isang video sa Instagram noong Lunes, November 23, na makikita ang pagpo-propose niya kay Julie Anne sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Isinagawa ni Rayver ang pagpo-propose sa ikalimang taong selebrasyon ng kanilang pagiging mag-BF-GF.

Sa simula ng video ay nagbigay muna ng mensahe si Rayver.  

“Sobrang big day nito. Siyempre, kinakabahan ako na nae-excite. Alam kong wala ka talagang alam sa mga mangyayari,” ani Rayver.

“Mga ilang days ko na nararamdaman ‘yung kaba, pero habang papalapit nang papalapit ‘yung big day, mas lalo akong nae-excite,” sabi pa ni Rayver.

Bale pre-recorded message ang ginawa ni Rayver .

“Naisip ko, five years na nga pala kami. So, ‘di ba, parang mas espesyal ‘yon na anniversary? 

“Parang in a way, parang hindi mo iisipin na magpo-propose ako. Kasi kapag anniversary namin, simple lang, masaya na kami, eh. Like movie date, kami, ganon.

“Iba pala ‘yung pakiramdam kapag nalalapit na at gusto mo nang hingin ‘yung kamay ng taong mahal mo. 

“Hopefully, maiyak siya sa tuwa at makuha ko ‘yung matamis niyang oo,” wika pa ni Rayver.

Hindi naman nabigo si Rayver sa gustong makitang reaksiyon kay Julie Anne dahil kitang-kita ang pagkagulat sa aktres nang dalhin siya ng aktor sa isang bahagi ng restoran para ipapanood ang ginawang video.

“Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at totoo ‘yung sinasabi ko na mamahalin kita habambuhay, kung hahayaan mo lang ako.”

At dito na sa bahaging ito sinabi ni Rayver ang, “Ms. Julie Anne San Jose, will you marry me?” 

Na emosyona na sinagot ni Julie Anne ng “Yes!”  

“Oh my God, totoo ba ‘to?” sabi pa ni Julie Anne habang yakap  kay Rayver na hindi pa rin makapaniwala.

Tinapik-tapik pa ni Julie Anne ang pisngi para paniwalain ang sarili.

Congratulations Rayver at Julie Anne!