Singer Jerome Evardome deadma sa mga basher 

Jerome Evardome

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ng newbie singer at Vhenee Saturno Music Recording artist Jerome Evardome na hindi niya trip ang mga old song, pero kalaunan ay unti-unti niyang nagustuhan.

Kuwento ni Jerome sa mediacon ng kanyang unang single na Pusong Bakal, “Puwede po nating sabihing yes po na-expose na po ako sa old song, pero not my thing po dati. More on po ako sa mga electronic, games.

“Kumbaga hindi po talaga ako fan ng old songs noon, ‘yung  Beatles naririnig ko na sa brothers and father ko, mga 80’s sa mother ko pero ‘di ko po talaga sila trip noon.

“Pero through the years nang mag-mid-teens na ako, nadi-discover ko na unti-unti ‘yung old songs, pero di ko po sila alam na old songs. Doon ko na nalaman ang Simon & Gurfunkel na pala ‘yung kumanta ng ‘The Sound of Silence’ at napa-wow po ako.

“Tapos ‘Mrs Robinson,’ ‘Yesterday’ ng Beatles, ‘In My Life,’ ang dami kong nalaman.”

Dagdag pa nito, “Hindi ko pa talaga noon sinisimulan ‘yung curiosity ko sa music. Pero na-hook na ako mostly sa lyricism talaga, the message of the song ang habol ko.

“Noong nangyari ‘yung pandemic nag-explore ako ng kaunti nalaman ko si Elvis (Presley) sabi ng mother ko mababa lang ‘yung boses, si Engelbert puwede ko kantahin.

“Doon na ako nagsimula na kantahin ‘yung mga song nila until now.”

Kahi’t baguhan ay nakatatanggap na siya ng pamba-bash sa mga taong hindi siya gusto pero imbes na patulan ay tinatawanan na lang niya ito at ginagawa niyang motivation para maging mahusay pa bilang mang-aawit.

“Actually, ang pagha-handle ko roon, ang thinking ko roon, ‘di ako ‘yung bina-bash nila.

“’Pag nakikita o nababasa ko ‘yun natatawa ako sa pamba-bash nila. Natatawa na lang ako, pero ginagamit ko na lang siya as motivation.

“Nag-start siya as a critic medyo negative for me back then 13, 14 years old ako, pero ginawa ko na lang siyang inspiration para galingan ko pa.

“And I thank God na na-develop ‘yung boses ko at binigyan niya ako ng ganitong talent na ‘di ko alam na mayroon ako, thank you so much for that.”

At ngayon nga ay isa na siyang recording artist mula nang makilala siya bilang clone ni Elvis Presley sa programang Eat Bulaga.

At bago matapos ang taon ay mayroon itong gagawing concert sa Music Museum na suportado ng libo-libo niyang Jeromantic fans.

Mapakikinggan na ang Pusong Bakal sa lahat ng streaming apps worldwide.