SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“VIVA One is the new TV!” Ito ang tinuran ni Valerie S. del Rosario, President ng Viva Communications, Inc. sa pagpapakilala ng isang bagong era ng entertainment na magpapabago sa paraan ng panonood.
Noong Lunes, inilunsad ng Viva One ang Viva One: The New TV na pagsasamahin ang pinakamagandang hatid ng telebisyon, libre at premium streaming, original series, blockbuster movies, concerts,documentaries, at exclusive content sa iisang entertainment platform.
Ang Viva One ang ultimate entertainment destination sa Pilipinas, na may mahigit limang milyong subscribers sa mahigit 80 bansa at teritoryo.
Sa bagong era ng entertainment, ang Viva One: The New TV ay magpapababago sa paraan ng panonood, pagtuklas, at pagtangkilik ng mga Filipino sa mga kuwentong minamahal natin at mga artistang hindi natin gustong palampasin.
Bitbit ang ilang dekada sa entertainment industry, patuloy na nag-e-evolve ang Viva One. Higit pa sa traditional streaming ang ihahahatid nito sa pamamagitan ng pagsasama ng
pinakamagandang hatid ng telebisyon (TV) at digital entertainment sa iisang platform.
Mula sa mga original series at blockbuster movies hanggang sa concerts, foreign titles, documentaries, at exclusive content, layunin ng Viva One na maging main destination ito ng kasalukuyang henerasyon, na may content at mapapanood anumang oras at saan man.
“Streaming is no longer the alternative. Streaming is the new mainstream and Viva One is the new tv,” ani Valerie sa isinagawang mediacon noong Lunes sa Tektite Towers Auditorium.
Bahagi ng pagbabagong ito ang mas abot-kaya at mas flexible na panonood sa pamamagitan ng advertising-supported video-on-demand (AVOD), kasabay ng subscription video-on-demand (SVOD).
Sa bagong modelong ito, mas masisiyahan ang mga manonood sa kanilang mga paboritong palabas at pelikula. Pwede silang manood nang libre kapalit ng mga patalastas o mag-subscribe upang magkaroon ng access sa mas malawak na content.
“With it (AVOD), Filipinos can watch hundreds of movies in Viva One for free, with ads. No subscription. No need to pay. Just download, sign up and watch. Free for those who need it. Premium for those who want more. Lahat pwede na mag Viva One,” dagdag pa ni Val.
Bukod sa mas pinadaling paraan ng panonood, patuloy ding pinalalawak ng Viva One ang handog nitong content sa pamamagitan ng mga bagong titles na idinaragdag bawat buwan.
Asahan ang mga bagong original series at exclusive movies, behind-the-scenes featurettes, concerts, Tagalized titles, anime series, at iba pang special content na mapapanood sa platform.
Kabilang sa mga title na mapapanood sa platform ang The Loved One, Wonderful Nightmare, 100 Awit Para Kay Stella, Deleter, Miracle in Cell No. 7, Maging Sino Ka Man, Miss Granny, Salvageland, Hellboy: The Crooked Man, A Special Memory, Posthouse, at Everyone Knows Every Juan.
Tampok din dito ang mga pelikulang pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Cristine Reyes, Kim Molina, at Jerald Napoles.
Mas marami pang pelikulang Filipino at international titles ang mapapanood din sa Viva One, kabilang ang Pee Mak, 2nd Miracle in Cell No. 7, VHS, ‘Ya, at Morticia, na maghahatid ng mas magandang entertainment experience sa mga manonood matapos ang kanilang pagpapalabas sa mga sinehan.
Para naman sa mga music fan, mapapanood din ang mga concert tampok sina Rob Deniel, Janine Teñoso, Cup of Joe, RAAA, Alamat, Ashtine, at Wilbert Ross, na higit pang magpapakita ng lawak ng entertainment offerings ng Viva One mula pelikula at music hanggang sa iba pang uri ng entertainment.
Tampok din sa platform ang Our Yesterday’s Escape, na pinagbibidahan nina Nicole Omillo at Jairus Aquino. Ito ang huling installment ng University Series ng Viva One, na isinulat ng bestselling Wattpad author na si Gwy Saludes. Dahil sa tagumpay ng Wattpad hit na ito, nabuo rin ang Univerkada. Sa pamamagitan ng kanilang mga kuwento sa screen, pagkakaibigan sa likod ng kamera, at shared experiences, nabuo ang isang barkada na minamahal ng lahat.
Samantala, pwede nang mapanood sa Viva One ang Fight For My Way, ang kauna-unahang Korean drama series adaptation ng Viva One. Tampok dito ang Fantastic Four na sina David
Licauco, Ashtine Olviga, McCoy de Leon, at Aubrey Caraan, na naghahatid ng bagong Filipino take sa minamahal na Korean romantic comedy.
Sa mga susunod na buwan, naghahanda rin ang Viva One ng kapana-panabik na lineup ng mga original series para sa huling bahagi ng 2026 at sa 2027. Tampok dito ang mga kilalang artista at mga bagong talento sa iba’t ibang genre gaya ng romance, comedy, drama, youth-oriented stories, at marami pang iba.
Kabilang sa mga pinakaaabangang title ang Montello High: School of Gangsters, isang adaptation ng sikat na Wattpad novel na may 88 milyong reads. Umiikot ang kuwento sa mundo
ng tunggalian at alitan sa loob ng paaralan, at pinagbibidahan ito nina KD Estrada at Ethan David.
Nagbabalik naman sa platform ang Wattpad hit na My Husband Is a Mafia Boss (Season 2), na nagmula sa makulit na imahinasyon ng Wattpad author na si Yanalovesyouu. Pinagbibidahan nina Rhen Escaño at Joseph Marco, nangangako ang bagong season ng mas nakagugulat na
twists, mas riot na sitwasyon, at mas maraming pasabog habang patuloy na tumitindi ang takbo ng kuwento.
Tampok din sa lineup ang Carry On, na pinagbibidahan ng sikat na loveteam na LanceBrey–Aubrey Caraan at Lance Carr.
Matapos ang tagumpay ng kanilang mga naunang proyekto sa
University Series ng Viva One, kabilang ang Avenues of the Diamond at ang series adaptation ng Hell University, muling magsasama ang dalawa sa isang bagong romance story tungkol sa tadhana at mga pangalawang pagkakataon.
Kasama rin sa lineup ang Dream High, isang adaptation ng hit Korean drama na nagpakilala sa mga Korean star tulad nina Bae Suzy, Kim Soo-hyun, IU, at Ok Taec-yeon. Nagbibigay ito ng bagong Filipino take sa mundo ng mga kabataang nangangarap na makilala sa industriya ng music at entertainment. Tampok sa serye ang kwento ng mga young talents at ang kanilang pagkakaibigan at ang kanilang pangarap na magtagumpay sa music industry.
Pinagbibidahan ito nina Xia Vigor, Althea Ablan, Charles Law, Noel Comia Jr., Gab Evangelista, at Ali Suzuki.
Tampok naman sa Boyfriend Corp. ang sikat na tambalang RabGel –Rabin Angeles at Angela Muji. Batay sa isang Wattpad story, umiikot ang kuwento sa isang hindi pangkaraniwang kasunduan na nauwi sa isang magulo at hindi inaasahang pag-iibigan.
Ang I Watched Him Fall For Someone Else, na hango rin sa sikat na Wattpad novel, ay nagtatampok sa pinakahihintay na pagbabalik ng loveteam na MarVen–Heaven Peralejo at Marco Gallo, kasama si Diego Loyzaga. Muli nitong bibigyang-buhay ang isa pang pinakaaabangang kuwento mula sa Wattpad para sa mga manonood ng Viva One.
Bilang huling dagdag sa lineup, tampok ang Trentahin of Manila, isang Viva One Original Series na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Carlo Aquino. Sinusundan nito ang dalawang taong nasa magkaibang yugto ng buhay na haharap sa mga hamon ng pagbuo ng isang relasyon sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.
Kaya nga sa Viva One: The New TV, hindi na limitado sa telebisyon o iisang channel ang streaming experience. Pwede nang dalhin ng mga manonood saan man sila magpunta ang kanilang mga paboritong serye, kuwento, at artista, at panoorin ang mga ito anumang oras.
Sa bagong direksiyong ito, lalo pang pinagtitibay ng Viva One ang misyon nitong ilapit ang mga Filipino sa mga kuwentong minamahal nila. Mas madaling pagsaluhan ang entertainment dahil ang Viva One ay para sa bawat isa.
Kaya naman narito ang Viva One para sa henerasyon ng streaming. Viva One: THE NEW TV.
