Thursday , June 4 2026

Sa Meralco bill shock
‘LEGALIZED ROBBERY’ ITIGIL – COLMENARES

050626 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MARIING kinondena ng mga consumer advocates at ng grupong Bayan Muna ang nararanasang ‘bill shock’ ng milyon-milyong customer ng Meralco ngayong Abril at Mayo 2026, sa gitna ng record-high na singil na pumalo sa ₱14.3496 per kWh.

Tinawag ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang sitwasyon na isang uri ng ‘legalized robbery’ na pinapasan ng mga ordinaryong Filipino.

Ayon kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap na ang mga consumer ang sumasalo sa bawat paghina ng piso laban sa dolyar dahil sa mga kontratang “dollar-denominated” ng Meralco.

“Bakit ang taong-bayan ang pinagbabayad ninyo sa paghina ng piso? Ang Meralco ay kumikita ng bilyon-bilyon, pero ang risk ng palitan ng dolyar ay ipinapasa sa mga pamilyang hindi na magkandaugaga sa taas ng presyo ng bigas at bilihin,” ani Colmenares.

Binigyang-diin din ni Colmenares ang hindi makatarungang pagpataw ng 12% value-added tax (VAT) sa system loss charge.

Inihalintulad niya ito sa pagbili ng gamit sa palengke na may ‘iuuwi’ ang mamimili kapalit ng binayarang buwis.

“Sa system loss, nagbayad ka ng 12 percent VAT, pero anong iniuwi mo? Wala. Bayad ito sa koryenteng hindi mo naman ginamit, koryenteng nawala dahil sa inefficiency ng Meralco o sa mga illegal connection na sila naman dapat ang magresolba.

                “Hindi namin kasalanan, bakit kami ang sisingilin?” giit ni Colmenares.

Pinuna rin ng mga kritiko ang tila ‘pagong’ na paglipat ng Meralco sa Renewable Energy (RE) habang ang ibang distribution utilities gaya sa Iloilo, Bohol, at Davao ay nakararanas ng mas mababang singil dahil sa local at renewable sources, ang Meralco ay nananatiling nakasandal sa imported natural gas at coal.

“Sampung porsiyento (10%) lang ang renewable energy ng Meralco. Ang natitira, imported na gas at coal na binabayaran sa dolyar. Kaya bawat kibot ng world market, bill shock ang hatid nila sa atin. Ito ang bunga ng pagiging monopolyong nakasandal sa dayuhang interes,” dagdag pa ni Colmenares.

Nananawagan ang Bayan Muna na kumilos ang Meralco at i-renegotiate ang lahat ng Power Supply Agreements (PSAs) sa mga coal at gas plants upang maging “peso-denominated” at hindi “dollar-indexed” ang bayad sa kanilang kontrata.

Alisin ang VAT sa system loss at iba pang pass-through charges at gamitin ang pondo ng gobyerno sa mga subsidy sa lifeline rates imbes ipasa ito sa bill ng mga regular na consumer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …