MATABIL
ni John Fontanilla
LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.
At ramdam na ramdam niya ito sa katatapos na concert sa Tanghalang Pasiguen̈o, na dumagsa ang maraming tao.
Tsika ni Renz, “Nagpapasalamat ako sa aking mga supporter dahil hindi nagbabago ‘yung kanilang pagtangkilik, ‘yung kanilang paghanga.
“It’s the best reward that a performer can ever had.”
Ngayong taon ay may mga plano para sa kanyang major concert.
Masaya rin ang mang-aawit dahil mayroon siyang bagong release na song under PolyEast Records.
“Mayroon akong bagong single, ang title ‘Hiram,’ under Polyeast Records.
” Lumabas na siya kahapon sa lahat ng social media app, pati na rin sa lahat ng streaming app.“
Isang malaking blessings sa kanya na sikat pa rin ang kanyang awiting Ibang-Iba Ka Na na isinulat ni Evelyn Bruce na ngayon ay 30 years na.
“It’s a blessing, blessing po ‘yan na galing sa taas, lahat po ‘yan ay galing sa Kanya, sa Diyos.
“Very happy of course, very blessed, I can sing it in the same key as I did 30 years,
sana nga ho tuloy l-tuloy,” pagtatapos ni Renz
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com