SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SA isang nakaaaliw na video, balik-comedy si Kathryn Bernardo para tulungan ang mga TNTsubscriber na makapili ng swak na prepaid promo.
Mula buhay-pag-ibig hanggang rank sa Mobile Legends, walang mintis ang paghula ni Kathryn dahil sa bagong For You Po feature ng TNT, ang value-focused brand ng Smart Communications, Inc. (Smart). Ngayon, mas madali nang matuklasan ng mga TNT subscriber ang promo na the best sa mga pangangailangan nila.
Gamit ang Smart App, ipakikita ng For You Po ang mga promo na babagay sa subscriber, mapa-data man, pantawag, o pang-text.
“Hindi na kailangan mag-scroll nang matagal. Gamit ang ‘For You Po,’ mas madali nang makita at ma-avail ang mga pinakasulit na promo na swak sa lifestyle mo,” ani Lloyd R. Manaloto, FVP and Co-OIC ng Smart.
Magagamit ng mga TNT customer ang For You Po sa tatlong paraan:
Una, gamit ang Smart App: Mag-log in lang sa Smart App at i-tap ang For You Po tile para makita ang mga exclusive offer na para sa iyo.
Pangalawa, Dial *123#: I-dial lang ang *123#, piliin ang For You Po sa menu, at hintayin ang recommended promos.
Pangatlo, kung Android ang operating system ng mobile phone, buksan ang Facebook Messenger at pindutin ang “Buy Data” button sa app. Ililipat ka nito sa bagong pahina na makikita at makabibili ka ng mga eksklusibong promo.
Dahil sa magkasunod na pagkakapanalo ng Smart sa Ookla, ang global network intelligence firm na gumawa ng Speedtest, mas madali at mas masaya na ang experience ng TNT subscribers.
Kamakailan, itinanghal ang Smart na “Best Mobile Video Experience” at “Best Mobile Latency”—ibig sabihin, napaka-igsi ng pagkakahuli ng mga impormasyong ipinapadala, bagay na akma para sa mga real-time app na ginagamit sa streaming, online gaming, at video call. Meaning perfect ang For You Popara sa mga KaTropang nangangailangan ng matinding streaming, at tuloy-tuloy na koneksiyon sa social media, chat, at iba pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com