RATED R
ni Rommel Gonzales
UMAPAW ang kilig ng fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa mga post ng Sparkle male star para sa aktres.
Kilig na kilig at tuwang-tuwa ang mga supporter ng dalawa sa mga post ni Dustin ng photos ng view at ni Bianca na may caption, na “i love the view :)” at “beautiful nga :)”
“Food trip, saka yung pag-picture ko sa kanya.
“Magaling kasi ako mag-picture,” sweet na sinabi pa ni Dustin.
“Nag-enjoy ako mag-shopping, saka nag-enjoy ako kumain, and of course, Dustin likes to eat all.
“And so the people we were with love to eat,” pahayag naman ni Bianca.
Galing kamakailan sina Dustin at Bianca sa Vietnam at Hong Kong at nag-enjoy sa pamamasyal, sa mga view, sa food trip at sa company ng bawat isa.
At maraming aabangan pagdating sa showbiz career ng DustBia.
“We’re so excited because it’s going to be our second music video together,” say ni Bianca.
“Puro kami tawa, puro kami kulitan. As in,
nakipag-bonding kami,” say naman ni Dustin.
Pinaka-inaabangan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga karakter sa series na The Secrets of Hotel 88.
“So ngayon, marami nang nare-reveal. Mas marami pa sa mga susunod,” pahayag pa ni Dustin.
“Marami pang manggugulo, marami pang mga secret,” pambibitin naman ni Bianca.
Samantala, bongga ang mga supporter nila na nagbigay ng ayuda para sa mga tsuper ngayong panahon ng krisis.
Namahagi sila ng libreng gas at pagkain para sa jeepney drivers.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com