Tuesday , June 23 2026
Kiko Estrada Albert Langitan Totoy Bato

Kiko  naiyak sa tinuran ng direktor ng Totoy Bato: ipinanganak bilang action star

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANGILID ang luha ni Kiko Estrada nang pag-usapan ang kanyang lolo Paquito Diaz at hindi na napigilan pang maiyak nang purihin naman siya ng kanilang direktor sa Totoy Bato na si Albert Langitan.

Napayakap pa si Kiko habang pinupuri siya ni direk Albert sa ginanap na Totoy Bato finale mediacon sa Cignal Launchpad Lobby.

Si Kiko bilang action star although sinasabi niyang hindi siya ganoon kagaling sa action pero hindi ko alam kung part na niya noong ipanganak siya action star na kasi tama ‘yung galaw niya, tama ‘yung movement niya, ‘yung physique niya naka-design para maging action star,” paglalarawan ni direk Albert kay Kiko.

Pero beyond sa paggawa ng action ang appreciation ko kay Kiko ay naging mas magaling siyang aktor.  Noong ginagawa namin ‘yung ‘Lumuhod Ka sa Lupa’ medyo nahihilawan pa ako kay Kiko noon..

“Lagi naming pinag-uusapan ‘yung eksenang namatay ‘yung nanay niya, hirap na hirap siyang mag-react to the point na kailangan naming i-retake sa ibang shooting day kasi hindi siya tumatawid.

“Ayaw ko namang pabayaan kasi magmumukha siyang hamon (ham actor) pero ngayon dito sa ‘Totoy Bato’ maybe because of the influence ng mga katrabaho niya halimbawa si Eula (Valdes), si tito Nonie Buencamino, Art Acuna ay gina-guide talaga siya.

“Isang pitik lang kahit hindi ko sabihin kaya na niyang umiyak ng tama, ‘yung iyak na hindi baduy para sa isang lalaki. Nasaktuhan na niya kung ano ‘yung tamang emosyon ‘yung dapat na ibibigay niya,”mahabang papuri pa ng direktor.

Actually, si direk Albert ang nagsabi sa kanya na mas bagay siyang mag-aksiyon.

Naalala ko ‘yun direk, sabi ko, ‘sana magkatotoo, tapos ginawa na namin ‘yung ‘Lumuhod’, alam kong hindi niya ako pababayaan at kung ano po ‘yung nakita n’yo, produkto po ‘yun ng pag-aalaga ni direk Albert at direk Ambo (Gonzales), ang laking tulong ng dalawang direktor ko sa buhay ko.  

“Hindi ko po magagawa kung anuman ‘yung nagawa ko kung hindi dahil sa kanilang dalawa lalong-lalo na ‘yung cast dito.

“I owe it to them, I owe it to Viva, TV5, and to direk Zyro (Radoc) kasama rin po siya sa team namin.  

“Isang malaking karangalan na mabanggit ang pangalang Kiko Estrada kasama ang mga taong nandito ngayon de kalibre,” wika pa ng anak nina Cheska Diaz at Gary Estrada.

Gusto namang i-remake ni Kiko ang Maging Sino Ka Man at Joaquin Bordado ni Robin Padilla na idolo niya.

Samantala, handa na ang nagbabagang pasabog sa finale week ng tinutukang primetime action series na Totoy Bato matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5

Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na labanan hanggang sa pagtatapos ng serye sa Abril 24.  

Abangan si Totoy Bato, ni Kiko sa seryeng nagbigay ng bagong mukha sa iconic na karakter na nilikha ni Carlo J. Caparas at unang binigyang buhay ni Fernando Poe. Jr. 

Maaasahan ang mas matitinding rebelasyon sa mundo ng Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado). Rito na rin tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na mas lalo pang magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo. Habang tumitindi ang tensyon, iisa ang tanong ng manonood: sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy at Dwayne?

Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng Totoy Batosina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villetabilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at  Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.

The success of ‘Totoy Bato’ is a testament to the incredible passion of the production team and the stellar performances of the entire cast. We thank everyone who poured their hearts out to bring this story to life. It was their dedication that turned every episode into a memorable journey that we all shared with the audience,” pahayag ng Presidente ng TV5 na si Guido R. Zaballero. 

Huwag palampasin ang mas pinatinding pakikipag-matigasan ng lakas para sa katarungan ni Totoy Bato sa natitirang huling linggo nito.Mapapanood gabi-gabi, 8:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Frontline Pilipinas sa TodoMax Primetime Singko ng TV5, with simulcast sa ONE PH. Napapanood na rin ang serye sa Cignal Play app na libreng mado-download sa Play Store at App Store. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …