NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang indibiduwal na suspek sa pagnanakaw sa isang nakadaong na barko sa Brgy. Cuta, lungsod ng Batangas, nitong Biyernes, 17 Abril.
Iniulat ng mga kadeteng lulan ng barko sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Batangas City at sa Special Operations Unit-Southern Tagalog (SOU-STL) na limang hindi kilalang indibiduwal na armado ng mga patalim ang sumakay sa barko, at tinakot ang mga crew member, saka tinangay ang ilang mga bakal at wiring ng generator.
Kasunod nito, naglunsad ang CGSS Batangas City ng isang hot-pursuit operation na nagresulta sa pagsuko ng isa sa mga suspek.
Nagbigay ng impormayon ang sumukong suspek kaugnay sa lokasyon ng apat pa niyang kasamahan na nadakip sa ikinasang follow-up operation.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PCG ang mga suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com