Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEX
ni Jun Nardo

KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning Tides Bar sa Marikinna City last Friday.

After a long time, ngayon lang uli nagkaroon ng solo show si Jose minus his long time partner Wally Bayola na injured pa ang isang paa.

Gayunman, bentang-benta pa rin si Jose lalo na sa guests na foreigner na kahit hindi naiintindihan si Jose eh tawa rin nang tawa!

Kasamang nag-show ni Jose si Pedro at ang Hollow Block Band at present sa show na nanonood ang mahal niyang si Mergene na dating member ng EB Babes.

Kahit nag-iisa, kayang-kaya ni Jose ang solo show! Kaya ‘yung bars na gusto siyang kunin, aba, hindi niya bibiguin ang crowd.
     

Just text Jose’s manager Joel Roslin – 0947-771-6036 or padala ng message sa kanyang Facebookaccount.

Congratulations, Jose!