Tuesday , June 23 2026
BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child actor na si BJ Forbes na hindi naging madali para sa kanya ang mga hinarap na pagsubok lalo na nang mawalan ng projects sa showbiz. 

Nang dumating siya awkward stage, dumalang na ang mga offer na trabaho sa kanya hanggang sa mawala nga ang pinaghirapang pera na ipinambili ng bahay ng kanyang nanay.

Ang kuwento sa akin, bumili si Mama ng bahay using my money. Binili niya sa ninang ko. I’m not sure kung magkano talaga ang naibigay, but the worth niyong bahay, parang nasa P2.5, ganyan, to P3 million,”kuwento ni BJ.

So, natirahan naman namin ‘yung bahay for a long time. Pero noong namatay ‘yung ninong ko, biglang nagpupunta sa amin sa bahay ‘yung mga anak nila.

“Binabawi ‘yung bahay. Parang sinasabi na may irregularities, ganyan.

“Ang sabi ni Mama, naloko siya, nawala ‘yung tamang titulo. But then, growing up, yun ‘yung pinaniwalaan ko eh, noong panahon na ‘yun. 

“Pero growing up, siyempre, nagtatanong din ako sa sarili ko na bakit namin hindi nailaban sa legal, kung totoong fully paid, kung ganyan. Baka mayroon ding stories behind that,” saad pa ni BJ na kinompirmang pinalayas sila sa sarili nilang bahay.

Patuloy na kuwento ng aktor, “So, noong panahon na ‘yun, at wala akong matakbuhan, na bakit ako pa rin ang kailangang humanap ng solusyon? Kasi ‘yung mga kapatid ko, wala rin naman silang kakayahan. And I understand that.”

Inamin din ni BJ na sumama ang loob niya sa kanilang ama. “‘Yung tatay ko, bakit wala? Bakit walang sumasaklolo? Bakit hindi man lang inalalayan si mama?

“So, noong punto na ‘yun, nagalit ako sa kanya, tina-try ko ring intindihin kung saan siya nagmumula,” dagdag ng aktor na isa na ring tatay ngayon.

Patuloy niyang pagbabahagi, “So, ayun dahil nga nawala ang bahay, sustain na lang ‘yung projects na dumarating para sa pangailangan, doon na ako parang nagsimulang ma-depress noong walang income. 

“Na parang, ang tingin ko sa sarili ko, I’m just something na ‘pag walang kuwenta, wala nang silbi, I can go. Parang ganoon,” sabi pa ni BJ.

Siguro, nagkaroon din ng parang phase of life na parang kahit ano ‘yung naitulong ko, dumating pa rin sa punto na parang noong nawala ‘yung kaya kong i-provide, parang kasalanan ko pa rin na nawala ‘yung ganoong klaseng district of income. Dumating sa ganoon,” emosyonal pang pahayag ni Tolits.

Malaki raw ang naitulong sa kanyang mental health ng pagsabak sa teatro noong mga panahong ‘yun.

Dahil unang-una, nai-express ko, ‘yung nagawa ko siyang outlet na nakakaarte pa rin ako, nailalabas ko ang emotions ko. At the same time, kumikita. Tapos nagta-try na rin ng iba’t ibang side hustles,” saad ni BJ.

Ini-reveal din niya na sa edad 13 ay nagkaroon na siya ng karelasyon dahil na rin sa paghahanap ng kalinga at atensiyon.

So, but by that time, 13 years old ako, mayroon na akong girlfriend noon. So, sila ‘yung nakakasagip sa amin dahil may extra silang bahay. 

“So, kung wala silang extrang bahay, baka, hindi ko alam kung anong nangyari sa amin after that.

Siyempre, nawalan ako ng confidence unang-una. Siyempre, para lunukin mo ‘yung ego mo na makitira ka sa dyowa pa lang. Tapos, alam mo naman na ilang taon pa lang kayo,” pag-alala ng aktor.

At ang masaklap pa, nanakawan sila ng mga gamit sa tinirhang bahay noon. “Pagdating namin doon, siyempre, hindi naman magandang-magandang bahay ‘yun. Hindi naman siya sa maayos na subdivision. 

“So, nagulat ‘yung mga tao na bakit ako lumipat doon tapos hindi magkasya ‘yung gamit namin. Kaya roon nagsimula na ang mga award ko kung saan-saan nakasalampak lang. 

“So, may mga nasirang gamit, maraming nanakaw na gamit.

 “Pero, sa sarili ko noong panahon na ‘yun, tinanggap ko na lang na hindi na ako artista level. So, naghanap lang ako ng ibang mga means of income,” pagbabahagi pa ni BJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …