Saturday , June 13 2026
Sinelas.atbp

Sinelas.atbp inspirasyon ang kultura at malikhaing kaisipan ng Lake Sebu 

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATIRA sa iisang exclusive residential building sa San Juan sina Pinky Esturco-Caslib at ang partners na sina Alma Belarmino at Amy Revilla.

At sa regular meetings at activities nila sa naturang lugar ay naging malalapit na magkakaibigan silang tatlo, hanggang  sa humantong iyon sa pagiging business partners, ang Sinelas.atbp na itinatag noong Agosto 2025 na ang produkto nila ay ang high-fashion slippers na panglakad at pang-event.

Bahagi ng inspirasyon sa likod ng Sinelas.atbp ay ang kultura at malikhaing kaisipan ng Lake Sebu sa South Cotabato na tahanan ng mga katutubong T’boli na kilala sa makulay na tradisyon, detalyadong

gawang-kamay, at matibay na koneksiyon sa kanilang kultura.

Isa sa kanilang popular na likha ay ang telang T’nalak na hinabi mula sa abaka ng mga kababaihang tinawag na Dreamweavers.

Ayon sa kasaysayan, ang disenyo ng kanilang tela ay ay mula sa panaginip at imahinasyon ng mga manghahabi sa paggabay ni Fu Dalu, ang Espiritu ng panaginip.

Katuwang sa mga likha ng Sinelas.atbp si Jared Servano, na kilala bilang mahusay sa disenyong Mindanaoan.

First runner-up si Jared sa Project Runway Philippines at naging kinatawan ng bansa sa International Fashion Showcase sa London.

Bukod kay Jared, kasama sa team ng Sinelas.atbp ang anak nitong si Sofia Jude para naman sa nalalapit na paglulunsad ng “At Iba Pa” na mga RTW (ready-to-wear) na mga damit.

Si Sofia ang visionary sa likod ng brand na ANORE at isang award-winning designer na kilala sa kanyang tagumpay sa Econest Design Competition at bilang finalist sa HIBLA National Competition.

Ang Sinelas.atbp ay higit pa sa brand ng mga tsinelas at sapatos. Suportado nito ang mga manlilikha at manggagawa ng katutubong komunidad ng Lake Sebu at ang kanilang “dreamweaving traditions,” pagpapa-unlad ng kanilang kabuhayan, at pagpapalaganap ng “slow fashion” sa pamamagitan ng kanilang adbokasiya ng “slow, handmade and sustainable fashion” para mapanatiling buhay ang tradisyonal na pamamaraan.

Maging ang patnugot ng entertainment section ng pahayagang ito, si Maricris Valdez, ay personal na nakapunta sa Lake Sebu upang mag-angkat ng materyales na T’nalak na ginamit sa isang espesyal na event ng grupong kinabibilangan niya, ang SPEEd. Ginamit ng kanilang samahan ang T’nalak sa kanilang mga kasuotan at accessories.

Samantala, matatagpuan ang nag-iisang physical store ng Sinelas.atbp sa Royal Mansion sa Wack Wack Road, Mandaluyong. Maaari silang abutin sa kanilang email address na [email protected] sa kanilang Facebook page na Sinelas.atbp at Instagram account na Sinelas.atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …