Friday , April 26 2024
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Kitchen helper tuwang-tuwa sa epekto ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         I’m Jennilyn Reposado, 42 years old, isa po akong kitchen helper sa isang malaking hotel sa Metro Manila for almost five years now.

         After ko pong magtrabahong domestic helper sa Hong Kong  nagsikap po akong mag-aral ng culinary kahit ‘yung mga crash courses lang, kasi po pangarap kong magtrabaho sa mga hotel sa abroad.

         Nakapasok naman po ako sa hotel pero dito lang sa atin at inabot pa nga po ng pandemic. Grabeng hirap po, akala ko hindi na matatapos. Mabuti na lang po at nakukuha akong skeletal force sa hotel noong pandemic kaya may kita pa rin.

Ngayon po halos isang taon at kalahati nang nakabalik sa mas normal na operation ang aming hotel. Medyo nabigyan po ako ng magandang posisyon kasi maraming nag-uwian sa kani-kanilang probinsiya, ‘yung iba naman nag-open ng kani-kanilang café. Sa bahagi ko po, palagay ko’y matagal pa akong makapagsosolo, dahil marami pa po akong obligasyon sa buhay. 

Anyway, gusto ko lang pong i-share ang napakagandang bagay na nagagawa ng KRYSTALL HERBAL OIL sa aking buhay bilang kitchen helper. Kami po kasi, ang trabaho namin ay tagaprepara ng lahat ng kailangan ng chef, minsan kahit katatapos lang namin maglinis at maghiwa ng mga lulutuin obligado kaming magbasa ng kamay.

At doon nga po nagsimula ang pamimitig ng aking mga daliri sa kamay lalo sa kaliwa. Ang dami ko na pong binasang artikulo sa internet at sa mga diyaryo para malaman ko kung bakit ganito ang nangyayari sa mga daliri ko. ‘Yung iba sabi dahil overused daw. May nabasa rin akong may problema raw sa liver. Sabi-sabi naman, mataas ang uric acid ko o kaya sasabihin rayuma na ‘yan.

Siyempre, alam ko naman po na may mga dahilan. Pero ang gusto kong malaman, ano ang mainam na solusyon sa nararamdaman ng aking mga daliri. At ang nakuha ko pong solusyon, nang mabasa ko sa inyong social media page ang KRYSTALL HERBAL OIL at ang patotoo ng mga nakagamit na nito.

Nagkataon din na isang kasama ko sa trabaho ang gumagamit nito kaya hindi pa man ako naka-oorder sa inyo ay nakapag-try na agada ko.

Ay nang ma-try ko po, ang saya-saya talaga. Sabi ihaplos-haplos ko raw sa loob ng 15 minutes bago ako matulog at pagkatapos maligo sa umaga. Noong hindi ko pa ito ginagawa, hirap na hirap po akong ibukas ang mga daliri ko pagkagising sa umaga, pero noong ginagawa ko na ang paghahaplos ng Krystall Herbal Oil, ‘yan na, halos normal na normal na ang pagbukas ng daliri ko s aumaga. Wala na rin ang mga kirot at biglang pamimitig. Talagang sobrang laking ginhawa po Sis Fely.

Kaya naman ako po’y lubos na nagpapasalamat sa inyong magaling at mahusay na imbensiyon — ang Krystall Herbal Oil.  By the wway, nag-order na rin po ako ng Krystall Vit. B1&B6 para lalong uminam ang aking pakiramdam.

Muli, maraming salamat po at mabuhay kayo!

Ang inyong bagong tagahanga,

JENNILYN REPOSADO

Makati City

About Fely Guy Ong

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …