Thursday , June 18 2026
Gibo Teodoro Atty Russel Miraflor

Sec. Gibo Teodoro, inasunto  sa citizenship

PORMAL na naghain ng reklamo ang isang grupo sa pamumuno ni Atty. Russel Miraflor laban kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr. kaugnay ng kanyang citizenship at legal na kalipikasyon sa paghawak ng posisyon.

Gayunpaman, matatandaan na dinipensahan na ito ng Department of National Defense (DND) at sinabing matagal nang naresolba at legal na isinuko ang kinukuwestiyong dayuhang dokumento ng Kalihim.

Binigyang-diin ng kampo ni Miraflor, ang isyung ito ay dapat dumaan sa legal na proseso at base sa mga opisyal na dokumento ng gobyerno, sa halip na gawing usaping pampolitika.

Sa joint complaint-affidavit ng grupo sa Pasay City Prosecutor’s Office, humihiling ng case build-up at preliminary investigation para sa mga posibleng paglabag sa batas tulad ng maling deklarasyon sa aplikasyon ng pasaporte, falsification of public documents, at perjury.

Hinihiling din ng grupo sa Office of the Solicitor General (OSG) na suriin kung sapat ang ebidensiya upang magsampa ng “quo warranto petition” ang pamahalaan para kuwestiyonij ang legal na karapatan ni Teodoro na manatili bilang Kalihim ng DND.

Nag-ugat ang reklamo ng grupo ni Miraflor sa mga dokumentong nagpapakita na si Teodoro umano ay nagkaroon ng Maltese passport na may bisa mula 22 Disyembre 2016 hanggang 22 Disyembre 2026.

Anila, nag-apply o nag-renew pa ng kanyang Philippine passport noong Marso 2017 at ginamit ito sa mga biyahe sa ibang bansa mula 2016 hanggang 2021.

Nais ng grupo na beripikahin kung sumunod si Teodoro sa mga proseso ng Republic Act No. 9225 (Dual Citizenship Law), kabilang ang pagkuha ng oath of allegiance at pagtalikod sa dayuhang katapatan o “renunciation of foreign allegiance”.

Bago pa man ang paghahain ng reklamo ng grupo ni Miraflor, opisyal nang nagpalabas ang DND at mga kaugnay na ahensiya hinggil sa tunay na estado ng pasaporte ng Kalihim.

Kinompirma ng DND na nagkaroon  ng Maltese passport si Teodoro noong 2016, ngunit binigyang-diin ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na opisyal na itong isinuko at tinalikdan ni Teodoro noong taong 2021 bago pa siya maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkasenador noong 2022 at bago siya italaga bilang DND Chief.

Ayon sa DND, pormal na idineklara at ipinaalam ni Teodoro ang pagsuko ng kanyang Maltese passport sa Bureau of Immigration (BI), Commission on Elections (Comelec), at sa Commission on Appointments (CA) bago pa aprobahan ang kanyang pagkakatalaga sa puwesto.

Ayon sa grupo ni Miraflor, mahalagang maberipika ito dahil hindi ordinaryong posisyon ang DND Secretary na humahawak sa seguridad, militar, at teritoryo ng Filipinas.

Bukas ang DND sa pagsusuri ngunit napatunayan na sa mga opisyal na rekord na malinis ang legal na katayuan ng Kalihim at ganap na itong tumatalima sa batas mula pa noong 2021. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

DOST 10 Lanao del Norte Complete STI

2nd District Municipalities of Lanao del Norte Complete STI Planning Workshop, Paving the Way for Smart and Sustainable Communities

The Science, Technology, and Innovation (STI) Planning Workshop for the 2nd District Municipalities of Lanao …

DOST Ilocos Region Open Gov Week 2026

DOST Ilocos Region Recognized as Valued Partner in Advancing Open Governance

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) led by Regional Director …

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB), in partnership with the Department …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …