Monday , June 8 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

Chiz dumating sa plenaryo
ANO ANG NASA LIKOD NG KANYANG DESISYON

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA GITNA ng mga nagkakasalungatang kampo sa Senado, madaling mawala sa sentro ng usapan ang tunay na tanong. Paano maipagpapatuloy ang trabaho ng institusyon?

Habang umiinit ang bangayan sa liderato at nagkakapalitan ng posisyon at direktiba, napilitan ang marami na pumili ng panig. Pero imbed sumabay sa ingay ng politika, pinili ni Senator Chiz Escudero na ituon ang pansin sa isang mas praktikal na usapin, ang pagpapatuloy ng sesyon.

Para sa iba, ang kanyang pagdalo sa plenaryo ay may kulay ng politika. Pero para kay Chiz, mas simple ang dahilan. Kailangang bumalik sa normal na operasyon ang Senado.

Sa kanyang podcast na “Chiz Whiz”, direkta niyang sinabi, “Nagpasya ako na hindi pwede magpatuloy na walang sesyon ang Senado.”

Mahalaga ang pahayag na ito dahil ipinapakita na sa kabila ng lahat ng alitan, hindi dapat huminto ang institusyon sa pagganap ng tungkulin nito. May mga panukalang batas na nakabinbin, at may mga usaping pambansa na hindi puwedeng ipagpaliban dahil lamang sa internal na sigalot.

Hindi rin lingid kay Chiz na may mga mag-iisip na mali ang kanyang naging hakbang. Sa politika, laging may interpretasyon at hinala. Pero malinaw sa kanya na hindi dapat takot ang magdikta ng desisyon.

“S’yempre concern ’yon, pero hindi ka naman din puwedeng matakot do’n at gumawa base sa takot,” sabi niya.

Sa ganitong sitwasyon, lumalabas ang mas malaking prinsipyo. Kapag ang isang institusyon ay nalalagay sa panganib na hindi makakilos, may responsibilidad ang mga nasa loob nito na kumilos kahit pa ito ay magdulot ng hindi pagkakasundo.

Aniya, “Ginagawa ko lamang ang tingin kong tama, anuman ang paksiyon o grupo na kinabibilangan.”

Ipinapakita nito na ang paninindigan ay hindi laging pagpanig sa tao o grupo, kundi minsan ay pagpanig sa proseso at sa institusyon mismo.

Maaaring hindi pare-pareho ang interpretasyon ng mga tao sa kanyang naging desisyon. Normal iyon sa isang buhay-politikang laging puno ng opinyon at interes. Pero ang mahalaga, muling nakapagpatuloy ang Senado sa pagganap ng trabaho nito.

Sa huli, ang mga kampo ay pansamantala lamang. Ang mga sigalot ay lumilipas. Pero ang Senado ay nananatiling bahagi ng demokratikong sistema ng bansa. At sa mga panahong ito’y nalalagay sa alanganin, ang mas dapat manaig ay ang tungkulin, hindi ang kampo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …

Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Panggigipit sa Senado, panggigipit kay Juan dela Cruz

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAKAIBA ang Senado ngayon, magulo dahil lumalabas o unti-unti nang nabubuko …

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …