ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng sexy actress na si Jamilla Obispo na kaabang-abang ang pelikula nilang “Sugar Mommy” na pinagbibidahan niya.
Tatlo ang lovers niya sa pelikulang ito, kaya dapat asahan na matitinding romansahan ang mapapanood dito ng viewers. Ito rin ang pinaka-daring na project niya.
Wika ni Jamilla, “Daring po ako rito, in a way na ibinigay ko lang iyong need po sa mga eksena, especially with the help of my director, mas naging magaan ang lahat.”
Dagdag niya, “I’ll be playing the role of Hazel, siya po si sugar mommy. Maide-describe ko ang pelikulang ito as one of the strongest character I’ve done. Hazel has three lovers po rito, which will be played by Ashley (Lopez), Rash (Flores), and Aerol (Carmelo).
“I find it very challenging, kasi bukod sa magagaling ang mga co-actors ko, bago rin po sa akin ‘yung role and I think marami ang makare-relate rito sa aming pelikula, hehehe,” nakatawang wika pa ni Jamilla.
Bakit tatlo ang lover niya sa movie, nympho ba ang papel niya rito?
“Love story, drama po ang movie… I think she’s not a nympho but more on trying to explore and looking for someone who can understand her.”
Nagpasalamat din siya sa ibinigay na opportunity sa kanya para magbida sa pelikulang ito.
Pahayag ni Jamilla, “Thankful po ako kasi this is my first title role. Compare po sa ibang nagawa kong projects na para po mabigyan nila Boss Vic at ng Viva family ng ganitong magandang opportunity, super grateful po ako.
“Sa produ naman namin na si Andrew po, mabait siya and kuwela na producer. I just want to say thank you rin sa bumubuo ng The Good Bois Film Production and of course sa Viva Family ko, kay Boss Vic. Maraming salamat sa tiwala.”
Mula sa pamamahala ni Direk Christopher Novabos, ito ay hatid ng The Good Bois Production ng aktor/businessman na si Andrew Gan.
Mapapanood na sa June 9 ang Sugar Mommy sa VMX app.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com