Thursday , July 2 2026
Andrea Gutierrezi Lani Misalucha

Andrea Gutierrez, inspirasyon si Lani Misalucha bilang singer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAPAKINGGAN namin ang husay kumanta ni Andrea Gutierrez nang nag-birthday kamakailan si katotong Rommel Placente at hindi nakapagtataka na ang bansag kay Andrea ay bilang Bossa Nova Princess.

Sa aming panayam, nalaman namin na bata pa lang ay mahilig na siyang kumanta. “Bata pa lang po ako, mahilig na po talaga akong kumanta. Pero officially po, nag-start po ‘yung singing career ko nang nanalo ako sa Asia’s Best Singing Competition Season-3 noong 2021,” kuwento niya.

Nakailang single na siya?

Tugon ni Andrea, “I have two singles po, iyong Naghihintay and Mestizong Gwapo (latest), plus one Christmas song titled Ngayong Pasko. I also revived Walang Kapalit, which was personally given to me by Tito Rey Valera.

“Iyong Mestizong Gwapo po is a fun and kilig song about having a crush on a guy who’s super charming and attractive. It’s about being captivated by that guy and nae-experience mo ‘yung excitement and kilig kapag may crush ka.  Iyong song po is relatable siya because I think everyone has experienced that feeling at some point.”

Aminado rin siya na magkahalo ang naramdaman nang bansagang Bossa Nova Princess.

Esplika niya, “Honestly po, nakakakaba pero sobrang grateful din po ako na may mga taong nakaka-appreciate ng music ko. Hindi ko po ini-expect na matatawag ako as ‘Bossa Nova Princess,’ kaya sobrang happy po ako.

“For me, malaking compliment po siya, and it motivates me to keep growing as an artist and keep sharing my music with everyone.”

Paano siya nahilig sa ganitong tipo ng songs? “Before po, bumibirit po talaga ako since ‘yun po ‘yung genre na madalas kong kinakanta at pinanalo ko sa Asia’s Best Singing Competition Season 3.

“Then one time po, naka-duet ko si Tito Marco Sison sa song na ‘Guilty’ during his concert po, and sabi po ng iba bagay din sa akin ‘yung ganoong style. From there po, nag-start na ako sa jazz, hangga’t sa naging bossa nova na rin po ‘yung madalas na requests sa akin.”

Inusisa rin namin ang idol niyang singers.

Esplika ni Andrea, “Marami po akong idols when it comes to singing, pero inspiration ko po talaga si Ms. Lani Misalucha, since madalas ko pong kinakanta songs niya before. I also look up to Ms. Regine Velasquez-Alcasid for her vocal power, and Ms. Sitti Navarro po for Bossa Nova Style, which I really, really admire and also inspired my musical direction.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

LJ Reyes Philip Evangelista The Village Cookie

LJ Reyes nagbukas ng negosyo sa Amerika

MATABILni John Fontanilla TULUYAN nang iniwan pansamantala ni LJ Reyes ang showbiz at masaya nang naninirahan sa …

SPEEd The Eddys Marriott Hotel

Marriott Hotel tahanan ng The EDDYS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng kumikinang na mga bulwagan ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …