
TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng kanilang mga clearing operation upang mapanatili ang disiplina, kaayusan at kaligtasan sa iba’t ibang pangunahing lansangan, partikular sa mga itinakdang Mabuhay Lanes sa Metro Manila.
Sa isinagawang MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association sa Harbor View, sinabi ni Go na pinalalawak pa ng kanilang tanggapan ang koordinasyon sa mga barangay upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga reklamo at impormasyong nagmumula sa komunidad.

Ayon kay Go, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at barangay upang maging mas epektibo ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga paglabag sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR).
Dagdag pa niya, ang mga ulat at sumbong mula sa mga residente ang nagsisilbing gabay ng MMDA sa pagtukoy ng mga lugar na nangangailangan ng agarang aksyon bago magsagawa ng clearing operation. (Ulat ni Brian B.)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com