Friday , June 19 2026
Mark Dionisio Kikirot-Kirot

Mark Dionisio hataw bilang aktor/producer, tampok sa pelikulang “Kikirot-Kirot”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BAGO pa man nauso ang Vivamax na later-on ay naging VMX, aktibo na si Mark Dionisio sa mga proyekto sa TV at pelikula.

Ayon sa barakong aktor, around 2003 siya nagsimula sa mundo ng showbiz.

Aniya, “Sa mga sexy films din po ako nagsimula noon, hanggang makapasok po ako sa mga teleserye sa ABS-CBN. But in 2007, umalis and tumira po ako sa abroad, bumalik ako last 2017.”

Bago siya napasabak sa Vivamax, paano ang takbo ng kanyang showbiz career?

“Bago po mag-Vivamax, I’ve been doing character roles sa mga teleserye and mga indie movies. Pero kahit ngayon po na nag-VMX na ako, madalas pa rin po akong lumabas sa mga TV series lalo na sa GMA-7,”  pakli pa ni Mark.

Sa ngayon, ang estimate ni Mark ay higit 20 movies na ang nagawa niya sa Vivamax/VMX. Ang latest project niya na may hatid ng kakaibang pampagana at pampainit sa mga suking viewers ng VMX ay ang “Kikirot-Kirot”. 

Paano niya ide-describe ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Roe Pajemna?

Esplika ni Mark, “Isa po siyang sexy-drama, maganda po ang story nito and magugustohan ng mga VMX fans ang mga love/sex scenes sa movie na ito.”

Aniya pa, “I play the role of Ace, isang successful married man na asawa ni Roda (played by Skye Gonzaga) sa film. Magkakaroon din po ako ng relasyon dito kay Janice (Rinoa Halili) na pinsan pala ng asawa ko.”

Bukod sa pagiging lead actor, si Mark din pala ang producer ng movie na ito. May iba pa bang project na actor/producer din ang papel niya?

“Yes po. Bale itong Kikirot-Kiirot ang fifth movie ko as an actor/producer for VMX. Katatapos lang din po namin i-shoot ‘yung ‘Creampie’ na ipalalabas po this July.”

Nabanggit din ni Mark na ang Kikirot-Kirot ang sexiest movie niya.

“Etong latest movie ko po ang sexiest for me, kasi I make it a point po na lagi akong may gagawing bago sa bawat movie ko, lalo na sa mga love scenes.” 

Gaano kahirap magpa-sexy sa movie?

“Para sa akin, hindi naman po siya mahirap kung ready ka, physically and mentally,” matipid na tugon ng aktor.

Sa palagay niya saan mas mahirap ang sumabak sa mga sexy at daring sex o love scenes, sa part ba ng babae or ng lalaki?

“Baka po mas mahirap para sa mga babae, lalo na dahil sa mga double standards. Tapos nandiyan pa iyong body-shaming and public judgement.

“During the scene naman po, mas malaki rin iyong risk nila na ma-take advantage,” esplika pa ni Mark.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …