INANUNSYO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force (SOG-SF) Chief Gabriel Go na ang mga school zone ay talagang ‘no parking are, kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong Hunyo taon 2026.
Sa naganap na buwanang “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), nagbabala si Go na hindi kukunsintihin ng MMDA ang mga motorista na gagamit sa paligid ng mga paaralan bilang parking area.
Hinihikayat ni Go ang pamunuan ng mga paaralan na iulat ang bagay sa MMDA sa pamamagitan ng 24/7 hotline nito, 136 o ang Presidential Action Center 8888. Sinabi pa nito na nakakatanggap rin ang MMDA ng mga sumbong mula netizens sa pamamagitan ng Facebook page o Twitter account nito.
Binanggit rin ni MMDA SOG SF chief Gabriel Go ang Republic Act 4136 na nagbabawal sa pagparada na makakasagabal sa mga hydrant, pedestrian crossings o pumarada sa mga kanto ng kalye, bukod sa iba pa, dahil aniya ang mga pampublikong kalsada ay para sa pampublikong paggamit ‘at wala tayong karapatang hadlangan ang mga ito.’
“No parking zone ang paligid ng mga eskwelahan… di pupuwedeng me nakaparada. It’s actually a daily routine (clearing) na talagang pinaiigting po namin,” Paalala ni Go .
“Our way of addresssing the “Balik-Eskwela” is to provide continous mobility ng mga sasakyan na dapat ginagamit ang kalsada para mapabilis ang biyahe… ang mga sidewalks ay dapat ginagamit ng mga estudyante at senior and anyone, as long as you’re a pedestrian…. not just sidewalk but safe sidewalk,” paliwang nito.
Idinagdag pa ni Go na sa pagbubukas ng klase ay kanilang sinimulan ang mas pinaigting na clearing operations partikular na sa mga lugar na may malalaking paaralan tulad sa Quezon City at asahan aniya na magpapatuloy rin sa iba pang lungsod sa Metro Manila. (Ulat ni Brian B.)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com