Sunday , May 19 2024
Quinn Carillo

Quinn tatalikuran pagpapaseksi

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASAMA sa cast ng Asawa Ng Asawa Ko ang Vivamax actress at scriptwriter na si Quinn Carillo.

Hindi nagpapa-seksi rito si Quinn kaya nangangahulugan kaya na tatalikuran na ang pagpapaseksi? O babalik din siya sa sexy roles kapag natapos na ang serye?

Lahad ni Quinn, “Depende na po sa material.

“Kasi rito naman po kahit sinabihan ako na bawal maghubad, ‘Direk ito na, ako na’, kasi ano eh, sayang ‘yung story, ‘pag hinihingi ng story bakit natin ibibigay, ‘di ba?”

Kasama kasi si Quinn sa Haslers ng Vivamax na available pa rin via streaming sa Vivamax.

Pagpapatuloy pa niya, “And then ‘yung vision naman ng director malinaw, hindi ka naman babastusin, naroon naman talaga ‘yun sa… basta given the right material, papayag naman po ako.”

Si Quinn ang sumulat ng script ng Haslers na tampok din sina Angelica Cervantes, Hershie de Leon, Denise Esteban, Calvin Reyes, Marco Gomez, sa direksiyon ni Jose Abdel Langit.

Sa Asawa Ng Asawa Ko naman, siya si Leslie na bestfriend ni Shaira (Liezel Lopez) na involved sa isang magulong trayanggulo with Jordan (Rayver Cruz) at Cristy (Jasmine Curtis-Smith). Idinirehe naman ito ni Laurice Guillen.

About Rommel Gonzales

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …