Wednesday , June 24 2026
Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng isang ecobag nitong Linggo ng hapon sa Quezon City.

Mabilis na naaresto ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang suspek na si alyas Michelle, 26 anyos, tubong Leyte, residente sa Brgy. Pasong Putik, ng nabanggit na lungsod, tumatayong yaya ng biktimang sanggol na si alyas Baby JKA.

Sa imbestigasyon ni PMSg. George A. Caculba ng QCPD-CIDU, nadiskubre ang bangkay ng sanggol dakong 4:15 ng hapon nitong Linggo, 31 Mayo sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Bago ito, nag-report sa pulisya ang suspek na dalawang hindi kilalang lalaki ang dumukot sa sanggol at nagbitaw ng salita  na “kuhaon nako ang akong Anak, dili man ipakita sa iyang mama” (Kukunin ko ang anak ko, hindi ko siya ipapakita sa nanay niya).

Bunsod nito, nagsagawa ng beripikasyon at follow-up operations ang mga tauhan ng PS16 sa pangunguna ni PLtCol. Timothy Aniway, Jr., Station Commander ng PS-16, QCPD.

Habang nagsasagawa ng backtracking at forward-tracking ng CCTV footages sa lugar, isang masangsang na amoy ang nalanghap ni PSSg. Joseph Ignacio G. Arquero kaya ginalugad ang nasabing bahay.

Nakita ng mga pulis sa ikalawang palapag ng bahay ang isang ecobag kung saan nakasilid ang naaagnas nang bangkay ng sanggol.

Napilitang umamin ang suspek na iniuntog niya nang paulit-ulit ang ulo ng sanggol sa sahig hanggang mangisay saka isinilid sa ecobag.

Nagpag-alaman na isang overseas Filipino worker (OFW) ang ina ng sanggol at pamangkin ng live-in partner ng suspek.

Nasa kustodiya ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang suspek na nahaharap sa kasong Murder.

Isinailalim sa awtopsiya ang labi ng sanggol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …