Wednesday , June 24 2026
stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live stream sa kanyang paglalaba, sa Parañaque City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director PBGen. Glenn Cinco, hindi na naisalba ang buhay ng biktimang si alyas Tata, residente sa Brgy. San Isidro, Parañaque City na naisugod pa sa Unihealth Parañaque Hospital and Medical Center.

Isang saksak sa tagiliran na umabot sa puso ang umutas sa buhay ng biktima.

Agad iniutos ni Parañaque CPS chief, PCol. Nicolas Piñon ang hot pursuit operation sa mga tauhan ng San Dionisio Police Sub-Station, Investigation Section, and Intelligence Section.

Nitong Lunes, 9:00 ng gabi nang naaresto ang suspek na si alyas Omay, 34, sa Brgy. Singkamas, Makati City.

Sa imbestigasyon, dakong 2:30 ng hapon noong 28 Mayo, nang maganap ang insidente sa Silverio Compound sa Brgy. San Isidro.

Ayon sa mga testigo, naka-live stream ang biktima gamit ang cellphone habang naglalaba nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at inatake siya ng patalim.

Unang nilaslas ang leeg ng biktima at sinundan ng ilang ulit na saksak bago tumakas ang suspek.

Sinabing nag-ugat ang galit ng suspek sa biktima noong 31 Disyembre 2023 dahil sa panunuya at panunukso sa kanya.

Sinampahan ng kasong murder sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …