Wednesday , June 24 2026

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa isinagawang buybust operation sa Pasig City, noong Linggo.

Sinabing ang biktima ay namatay dahil sa hypovolemic shock o sa rami ng dugong tumapon sa katawan dahil sa isang tama ng bala sa hita.

Isang operatiba ng pulisya ang nasugatan sa braso, tuhod at paa.

Batay sa ulat ng Pasig City Police Station, nagsagawa sila ng motu propio investigation upang matukoy ang tunay na pangyayari.

Ang nasabing insidente ay nakunan ng netizen at nag-viral sa social media, kung saan hindi sumusunod ang suspek sa utos na dumapa at sa halip ay maangas na nakikipagsagutan nang malapitan sa isang pulis.

Inatake rin ng suspek ang pulis at tinangkang saksakin ng balisong at agawan ng baril.

Sa inilabas na pahayag ni Pasig Police chief, PCol. Hendrix Mangaldan, sinibak na niya sa puwesto ang mga sangkot na operatiba at maging ang commander ng San Joaquin Police Sub-Station.

Paliwanag ni Mangaldan, ang lahat ng operasyon ay alinsunod na police operational procedures at iba pang polisiya at alituntunin at pinaalalahanan na magpakita ng professionalism at accountability.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …