
HATAW News Team
MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si Senate President Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto bunsod ng dalawang araw na hindi pagsipot sa Senado nang walang opisyal na dahilan.
Sa pahayag ng minorya na binasa ni Senador Erwin Tulfo, sinabi na ang hindi pagsipot ng majority senators ay isang malinaw na pag-abandona o pagtalikod sa kanilang tungkulin at pagbalewala sa rules ng Senado.
Ani Tulfo, hindi maaaring itigil ng Senado ang kanilang trabaho dahil ayaw ng lider na gumawa at gampanan ang kaniyang tungkulin.
Binigyan diin ng senador, sa kanilang rules, maaari lamang suspendihin ng Senado ang kanilang sesyon kung may konsultasyon sa majority leader at minority leader.
“Under Rule XIV, Sec. 41 of the Rules of the Senate, the Senate President may postpone the holding of the session after consultation with the Majority Leader and the Minority Leader. That rule was violated. This is not merely a procedural lapse — it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people,” diin ng minorya sa kanilang pahayag.
Hinamon ni Tulfo si Cayetano, imbes sabihin ang kanyang mga statement sa pamamagitan ng FB live ay sa plenaryo siya magsalita.
Aniya, “Sa Facebook ba pumapasok si Cayetano?”
“Dito sana siya magdebate kung ano ang gusto niyang gawin. Huwag sa social media,” sabi ni Tulfo.
Umapela si Sen. Juan Miguel Zubiri sa kanilang kasamahan sa mayorya na dumalo sa huling araw ng sesyon ngayon (3 Hunyo 2026) bago ang ‘adjournment sine die’ ng Senado.
“It is their duty. Binabayaran tayo ng taong-bayan para magtrabaho hindi para mag-absent-absent lamang at magbulakbol,” sabi ni Zubiri.
Binanggit ni Tulfo na nangyari ang lahat dahil ang isa sa kasama ng mayorya na si Sen. Jinggoy Estrada ay nakakulong.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ngayong araw, Miyerkoles nila pag-uusapan kung ano ang dapat gawin sa mga hindi dumadalo sa sesyon.
Maliwanag aniya sa rules ng Senado na dapat nagdaraos sila ng sesyon sa ganap na 3:00 ng hapon mula Lunes hanggang Miyerkoles.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com