Thursday , June 4 2026
Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha Ponti? 

Natawa ako ang daming miron. Simple lang naman ang ibig sabihin niyon. Kung ano ang may taglay siya na kanya lang at walang iba o sinumang pwedeng umangkin.

Sa Ingles-innate,  natural, inherent.

Isip muna siya. Ang pagiging simple raw niya.

Ang titulo ng kanyang album na naglalaman ng sampu na namang piyesa na siya ang sumulat ay nilagyan ng ibig sabihin ang bawat letra. 

L-onging. I-llusion. K-indness. A-cceptance. S-elf Love.

Sa edad niyang 19 (sa Hunyo 20 siya magbe-20) naka-29 na komposisyon na si Isha.

Isa pa itong wala ka ring itulak-kabigin sa mga komposisyong para lang tumutudla sa hangin ng mga salita. 

Oo naman. Karamihan ay may kinalaman sa pinagdaanan ng puso niyang nasawi. 

At bago itong Likas album niya, ipinarinig niyang muli ang naunang kanta, Dyahe at ang kasama sa 10-tracks na Bakas.

Ang iba pang awit na kumurot sa puso ng kinikilala na ngayong Asia’s Pop Sweetheart ay ang Kabanata, Hinga, Numero, Darating, Halika, Warmth, Gulong, Riversky, at  Mismo. 

Na mapakikinggan lahat sa Viva Café sa June 20, 2026. Looking brighter in her 20/20 vision of the future. Beinte sa a-beinte! Perfect!

Idolo ni Isha si Sarah Geronimo. Kaya wala namang dapat na maging isyu kung may nagbigay ng salitang pop sa kanyang titulo. Nais din niyang maka-collab sina Maki at Yeng Constantino.

Hindi pinababayaan ni Isha ang pag-aaral sa Enderun. Kaya lahat ay iniaayon sa kanyang kakayaning schedule.

Her Ponti Entertainment Production is behind all her endeavors.

Nagawaran na siya ng award for Best New Female Artist back in 2024 ng Aliw

At marami na ring OPM icons natin ang nakahati niya sa entablado.

Puso ang puhunan. Ang karanasan. Ang mga dinamdam. Mas marami man ang sakit, ‘di naman ibig sabihin na ipininid na niya ito at kinalimutan.

Sa ngayon, may mas mahalaga pa sa pansariling pangangailangan. At alam niyang Panginoon ang gagabay sa kanya.

Mas marami pang LIKAS sa kanya!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …