HARD TALK
ni Pilar Mateo
DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa workshop ng Philstagers ni Atty Vince Tañada sa Blackbox Theater ang premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Kaya sa kanilang pinaka-recital, kasama ang mga taal ng mga entabladista ng PSF, tinunghayan ni direk Joel kasama ang iba pang mga bata at beterano sa teatro at pelikula ang kanilang mga obra.
Dalawang Sabadong tinunghayan nina direk Joel at mga kasamang sina Richard Quan – Film and TV Actor, Dr. Anton Juan – Director, playwright and Professor, at BJ Crisostomo – Playwright and Theater Actor ang sari-saring mga dula.
Noong unang Sabado, itinampok ang mga sumusunod:
STAGERS MAIN COMPETITION
• Lost and Found – Zen Lizardo
• slaSHEs – Arien Santos
• Silo – Kharen Udarbe
OPEN MAIN COMPETITION
• 48k: Gising Pilipinas – A-Team Creatives
• Awake – The Ouaos
WORKSHOP & REVISITED PLAY
• Laro – Workshop Edition
• Loob – Revisited Play
Noong ikalawang Sabado naman (May 30) itinampok ang:
STAGERS MAIN COMPETITION
• Salin – Fidel Redado
• Triangulong Bahaghari – Daffodil Perez
• The Casting Call – James Ramada
OPEN MAIN COMPETITION
• Lotto Ticket – Tanghalang SLU
• Bakit Puro Na Lang Bakit? – Luis Miguel Almeda
WORKSHOP & REVISITED PLAY
• Krystal – Workshop Edition
• Babae Nga Naka Itum – Revisited Play
Sa panonood ng nasabing dula, dinadala ka nito sa sari-saring pintuang nagbubukas ng puso’t kaisipan.
Ibang klaseng immersion ‘ika nga. At pati ikaw na manonood ay natututo sa mga komento ng mga henyong guro at dalubhasa na sa sining ng teatro.
Mapapanganga. Magugulat. In their naked glory. Pero hindi ka bibitiw sa nilalaman ng mga eksenang lalamon sa presensya mo.
Walang itulak-kabigin. Totoo. Mas may umangat. Pero walang itatapon. Paiigtingin lang.
Dito namin nakita kung gaanng nabighani si direk Joel sa aktres na dalawang beses niyang napanood sa dalawang dula.
Rikit na rikit siya sa mukha ng artista na sa maraming dula at pelikula ni Atty. Vince.
Si Vean Cancino Olmedo.
“Napakaganda! Parang isang tunay na Birhen. Isasama na kita sa susunod na proyekto ko. Maganda na eh, napakahusay pang umarte,” wika ni direk Joel.
Sa huli niyang sinalangan, ang Ang Babaeng Naka-itim, aakalain mo talagang nabuhay na Birhen si Vean. At sa unang dula naman, ay naghubad si Vean.
Walang maliit o malaking role. Kaya isasalin ito ni Atty. Vince sa pelikula.
Nakasilo na ba ng bago niyang Musa ang henyong direktor sa pelikula na si direk Joel?
At sa Nobyembre naman, babalikan ni direk Joel ang pag-arte sa entablado kasama sina Dr. Anton at Atty. Vince.
Sa muling pagsasadula ng Larawan o Portrait of the Filipino as An Artist.
Ang istorya ng magkapatid na Paulo at Candido. At sa pupukaw sa damdamin nilang si Tony Javier. Kasama si Johnrey Rivas bilang si Bitoy. Na ididirehe ni BJ Crisostomo.
Direk Joel is on a roll. Sige pa rin kasi ang dating ng offers sa kanya para magdirehe ng pelikula.
May tatapat ba sa husay niya bilang si Roda sa Batang Quiapo?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com