Thursday , June 4 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas sa Senado para sa Filipino? Kawawang Juan dela Cruz dahil sa kaguluhan sa Senado, ay naghihintay nang wala mula sa kanilang mga ibinoto na sa kanilang pagkakaalam ay  uunahin sila pero ano ang nasasaksihan natin ngayon, pansariling interes ang prayoridad ng ilan sa mga Senador.

Palala ang situwasyon o salpukan ngayon sa Senado. Magulong-magulo at nauso ang turuan — kung sino nga ba ang tunay na nagsimula ng kaguluhan o pagkakalat sa ‘kuwarto’.

Madaling magturo o magbintang pero ano itong sinasabi na kung sino pa itong tinaguriang “Minority Brats” – ha!? Minority Brats talaga ha! – ang mahilig daw na magturo ng daliri.  Sila pa raw itong nag-iiwan ng kalat….at, at ano? At feeling o playing victims (inaapi) daw sila pero kung susuriin tila sila ang may hawak ng mitsa ng gulo. Sila nga ba? Hindi naman, porke  nag-walkout ay nanggugulo na? Hehehehe

Heto lang naman kasi ang nakatatawa lalo na sa usapang walkout na isa sa mitsa ng “rambulan” sa Senado kung saan ay nagtuturaun kung sino ang nagsimula ng gulo.

Sino nga ba ang nagsimula ng gulo? Una ay nag-walkout ang minorya sa plenaryo. Hayun! Sa pag-walkout, katuwiran ng tropa ay hindi naman daw pag-abandona ang ginawa nila sa sesyon. Pero noong ang Mayorya naman ang gumawa, humirit ang minorya na ito ay labag daw sa rules! Ha! Ano ’yun? Kayo lang ang pwedeng umeksena kapag hindi nakuha ang gusto?

Ang masaklap, isinisisi pa sa mayorya kung bakit may mga batas na nakabinbin dahil lang sa dalawang araw na walang quorum.

Teka, teka,  hindi ba si Senate President Alan Peter Cayetano ay  noong Mayo 11 lang naupo. So, ibig sabihin iyong sinasabing  mga nakabinbin na batas ay dapat inasikaso nila noong panahon ni dating SP Tito Sotto? Hindi ba isang paghuhugas-kamay ito para hindi sila sisihin ng taong-bayan? Hindi po kahapon lang ipinanganak ang Filipino people my dear naman.

Pansin din daw ang pag-atake nina Senador Erwin at Raffy Tulfo laban kay SP Cayetano, para sa grupo. Tila nakalimutan na si Cayetano ang SP. Siyempre, kapag SP naman po kasi, ay respetohin naman ang posisyon nito at huwag maging personal ang pagbatikos. Kung baga, sa isyu lang tayo.

Heto pa, sinasabi din ng minorya na kesyo may dalawang senador daw mula sa Mayorya ang lilipat sa kanila para maagaw ang liderato. Ang tanong! Nasaan? Mayroon nga ba Sen. Ping Lacson? Bluff lang ba ito? Ang sukatan naman diyan ay kung makapag-convene na agad-agad ang tropang mayorya.

Hinalang kaya raw nag-iingay ang minorya ay para tabunan ang mga seryosong isyu. Totoo nga ba ang usap-usapan  na may takot ang ilan na muling mabuksan ang imbestigasyon sa flood control projects scam? Hala! Bakit? Takot kayong makulong matapos na magpakasasa sa pera ng taong-bayan? E si dating House Speaker Martin Romualdez, isa bang kapanalig ng tropang minorya kung kaya nag-iingay ang minorya?

Ano pa ang ibinabato sa mayorya? A oo. Pati ba naman ang kawalan ng aircon sa banyo ng Senado ay isyung pambansa na rin?! Gagawan rin ba ito ng batas na para hindi na mawalan ng aircon ang CR!? Hehehe! Hayun ang dramang tampururot ay

“pinatayan daw sila ng koryente” para gipitin sila. Pero noong dinala ang technician, napag-alamang nag-trip lang pala ang circuit breaker sa bahagi ng GSIS building! Ayos talaga sa trip ha – kuwentong barbero.

Samantala, binabatikos din ng minorya ang pagv-vlog ni SP Cayetano. Masama bang mag-ulat nang direkta sa taong-bayan sa pamamagitan ng vlog? Hindi lang ngayon ginagawa ni SP Cayetano ang pagv-vlog, kung hindi matagal nang ginagawa ito at ngayong siya na ang pinuno, mas lalong dapat niyang ipaliwanag ang mga isyung pilit binabaluktot ng kanyang mga kritiko. Kaya naman kung sisilipin ang comments, baha ng suporta mula sa mga ordinaryong Filipino dahil ramdam nila kung sino ang may purong intensiyon at kung sino ang nag-iingay lang para sa publisidad.

Nagmumukhang kengkoy na tuloy ngayon ang Senado, itaas naman natin ang antas ng diskusyon dito. Tigilan na ang sobrang pagngangawa at ang personal na atake. Tamang isyu o iyong pangangailangan ng taong bayan ang ilatag sa debate. Hindi ang  sirang aircon o gawa-gawang kuwento ng pang-aapi. ‘Ika nga, pangibabawan ang katotohanan. Itabi na ang pansariling interes at sa halip, tuparin ang pangako sa ating fellow Filipinos noong kayong lahat ay nangangampanya. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …