Thursday , June 4 2026

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

060426 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa social media live streaming platform mabilis na kumilos ang Senate Solid Bloc 11 (SB11) para muling baliktarin ang liderato ng Senado.

Nahalal kahapon si Senator Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore na tatayo rin bilang acting Senate President.

Mabilis na naganap ang mga pagbabago sa liderato ng Senado nang dumating si Senator Francisco “Chiz” Escudero at nagkaroon ng quorum kaya naging 12 ang dating minority habang 11 na lang ang grupo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.

Kinakailangan pa ng isang senador upang maging 13 ang bilang at tuluyang maging Senate President si Gatchalian.

Pormal na naganap ang sesyon sa gitna ng ikatlong araw na boykot ng grupo nina Cayetano habang nagpapatuloy ang kanyang live streaming sa social media.

Dumating si Escudero sa session hall dakong 3:13 ng hapon na sinalubong ng palakpakan ng mga tao sa gallery habang niyakap ng ilang senador na nasa plenary hall.

Si dating Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang naghain ng mosyon upang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon.

Sa pahayag ng bagong majority na tinatawag ngayong “Solid Bloc 12”, inilinaw na hindi na presidente ng Senado si Cayetano.

Ginamit na batayan ng bagong majority ang kasong Avelino v. Cuenco noong 1949.

“For clarity, Sen. Alan Peter Cayetano is no longer Senate President after the Senate, with 12 senators present and a quorum declared based on the recognized base number of 22 under Avelino v. Cuenco, voted to declare all positions vacant, including the presidency of the institution,” pahayag ng Solid Bloc 12.

“Hindi pa lamang naihahalal si Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President dahil kailangan ng 13 boto sa ilalim ng Konstitusyon. Pero ito ang malinaw at mahalaga ngayon: bakante na ang lahat ng posisyon, tapos na ang dating liderato at dapat magpatuloy ang trabaho ng Senado para sa taong-bayan,” mariing deklarasyon ng Solid Bloc 12.

Inihalal na rin ang mga bagong chairman ng iba’t ibang komite at si Senador Juan Miguel Zubiri ang chairman ng Committee on Rules, habang Blue Ribbon chair si Senador Erwin Tulfo na uupo rin bilang chairman ng Social Welfare Committee.

Hahawakan ni Sen. JV Ejercito ang Finance, si Sotto sa National Defense, Senator Panfilo Lacson sa Public Order at Accounts, Senator Raffy Tulfo sa Public Services, Senator Bam Aquino sa Basic Education, Senator Risa Hontiveros sa Health Committee, at si Senator Kiko Pangilinan sa Agriculture.

Iniatang kay Escudero ang Urban Planning, Housing and Resettlement samantala kay Zubiri ibinigay ang Foreign Relations.

Itinalagang bagong Senate Secretary si Atty. Renato Bantug habang bagong Senate Sergeant-at-Arms si retired Police Major General Alfred Sotto Corpus.

Sa pagkakaroon ng sesyon, pormal na idineklara ang adjournment sine die at muling babalik ang sesyon sa 27 Hulyo 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …