Wednesday , June 24 2026
Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula ni Bong Revilla, Jr. at ng iba pang action stars.

Bukod pa rito ay naging Optical Media Board (OMB) chairman din siya noon, after ni Ronnie Ricketts. Although isang taon lang daw ang stint niya rito, dahil muli siyang kumandidato bilang alkalde.

Napasabit kami sa ginanap na courtesy call ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa office ni Mayor Christian sa New Malolos City Hall, kaya nalaman namin ito nang nakatsikahan ang butihing lingkod-bayan.

Nagsimula bilang SK si Mayor Natividad at isa rin siyang abogado. Ayon sa kanya, malayo pa ang susunod na election kaya hindi niya ito iniisip at ang focus niya ay ang maglingkod sa lungsod ng Malolos 

Nabanggit nga ni Mayor Christian na napasabak din siya sa showbiz noon, pati na sa teatro.

Aniya, “Extra-extra lang naman, doon sa El Presidente  (ni ER Ejercito) at ‘yun pang isang movie na gumanap akong NBI (The Buy Bust Queen), ipinalabas iyon sa ibang bansa e, at sa movie ni Bong Revilla, Jr.”

Kung isasapelikula ang buhay niya makulay daw ito.

“Kung sakali, siyempre ang gusto kong gumanap sa akin ‘yung idol ko, dalawa ang idol ko e, kundi si Joko (Diaz) ay si Jomari (Yllana). Kasi si Joko ay barakong-barako e.”

Kuwento pa ni mayor, “Sobra hong makulay ang buhay ko, iba ‘yung pinagmulan ng buhay ko e, survivor ho kasi ako. Ang tatay ko kasi ay isang national figure, dating Napolcom at dating congressman nang six terms, si Atty. Teodulo Natividad.”

Sa mga aktres naman, si Rhian Ramos ang hindi niya makakalimutan dahil lagi raw niyang napapanood noon si Rhian sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven.

“Hinahangaan ko lang naman iyon, dahil lagi kong napapanood noon si Rhian,” nakangiting sambit pa ni Mayor Christian.

Anyway, ipinagmalaki rin ni Mayor Christian ang kanyang organic version ng flood control na matagal na niyang project at ini-implement na ngayon sa Malolos. Ito ang nature-based flood mitigation project ni Mayor Christian. Na imbes puro konkretong flood control structures, ang konsepto nito ay paggamit ng natural at environmental solutions para mabawasan ang pagbaha, lalo na sa Isla ng Pamarawan at coastal areas ng Malolos.

Maganda ang proyekto niyang ito, kaya sinisilip na ito ngayon ng mga negosyante at ng national government.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …