Tuesday , June 23 2026
Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along da Riles..Da Reunion, na ginawa sa Metropolitan Theater.

Ang pelikula ay handog ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga Manileno.

Noong nagkausap sina Vandolph, na anak ng namayapang komedyante na si Dolphy, at si Yorme Isko, sinabi nito na sa Metropolitan Theater ganapin ang advance screening.

Isa rin kasing Manileno si Dolphy, na  bidang lalaki noon sa sitcom na Home Along Da Riles. Bukod pa bilang pagbibigay-pugay sa Comedy King na lumaki sa Tondo.

For the record, sikat na sikat na sitcom noong 90’s ang pelikula. Kaya naman naging dahilan ito para gawing pelikula, at naging blockbuster noong ipalabas.

Isinalin ulit ito ngayon sa pelikula bilang tribute kay Dolphy.

Kasama pa rin dito ang mga gumanap  niyang mga anak na sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Gio Alvaerez, Vandolph, Boy 2 Quizon, na siyang nagdirehe ng pelikula. At siyempre, kasama pa rin si Nova Villa, na gumanap na Azon noon sa pelikula.

Nasa cast din sina Mavelyn dela Cruz at Dang Cruz.

Bago ang screening ay nag-speech muna si Vandolph.

Nagpasalamat siya kay Yorme dahil sa suporta nito sa kanilang pelikula.

Maraming salamat sa pagpapahalaga ng legasiya ng aking ama. Si tatay Kevin Cosme (ang role ni Dolphy sa HADR),” anito.

Inalala rin ni Vandolph na 6 years old pa lang siya nang mapasama sa nasabing sitcom. Ito ang kanyang first acting experience.

Dahil isa nga ring komedyante si Vandolph gaya ng ama, kaya hinaluan niya ng joke ang kanyang speech.

Sabi niya na natatawa, “Ang tatay ko nga lumaki sa Tondo. Kaya medyo tigas ‘yun. Tiga-saing, tiga-laba. Tiga-mahal ng babae.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …