Wednesday , June 24 2026
JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw ang kanyang career sa larangang ito na nagsimula noong taong 2023 sa ads ng Bioderm soap.

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang karera ni JP bilang commercial model. Kabilang sa mga naging commercial o ads niya ang Kenny Rogers, 

Skyflakes, Efficacent Oil, Bioderm, Calla laundry soap, Medicol, Oishi Juice, National University, at Toyota.

This year ay napanood si JP sa Union Bank at sa Ibuprofen Medicol Advance 400 commercials, kasama ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Si JP ay 21 years old at 4th year sa National University ng kursong Civil Engineering. 

Kamakailan ay pinagkalooban ng parangal si JP bilang Distinguised Advocate for the Arts, Youth Empowerment, and Social Progress sa nagdaang 11th Inding-Indie Excellence Awards na ginanap sa Camelot Hotel, Quezon City.

Very thankful siya sa natanggap niyang parangal.

Wika ni JP, “Masaya po ako… first of all thanks to our almighty God for all the blessings and to direk Ron Sapinoso, founder of Inding-Indie and to direk Ryan Favis – producer/organizer of 11th Inding-Indie Excellence Awards.”

Ang mother ni JP ay si Ms. Sephine Obusa na dating talent manager at producer ng indie film. Nagpahayag ng kagalakan si Ms. Sephine sa natamong award ng kanyang anak.

“Very happy po ako, mabait po si JP, isa siyang masunuring anak, marunong sa buhay, at matiyagang mag-aral. Lahat po ito ay very thankful po ako kay Lord, because without Him we are nothing po,” masayang sambit niya.

Nabanggit din ni Ms. Sephine na sumabak na noon si JP sa pag-arte sa harap ng camera nang siya ay 15 years old pa lamang. Pero mas gusto niyang studies ang maging priority ng kanyang anak, kaya pinahinto raw niya ito sa pag-aartista. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …