Monday , July 14 2025
Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential building sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue dakong 11:25 am nang ma-trap ng higit apat na oras sa gumuhong residential building sa Orchids St., Brgy. Longos, dakong 7:00 am.

Kinilala ang dalawa pang sugatan na sina Rhodora Tumbukon at Francisco Catindoy, unang na-rescue ng mga tauhan ng Malabon Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP).

Naka-confine ang mga biktima sa Ospital ng Malabon.

Sa tinanggap na report ni Col. Daro, ang bahay kung saan nakatira ang mga biktima ay nadamay nang gumuho ang estrukturang katabi ng kanilang bahay.

Ang mga pamilyang nakatira sa gumuhong residential building ay binubuo ng lima katao mula sa Esilio family at apat mula sa Morada family, pinalad na hindi masaktan nang makatakas bago gumuho ang estruktura.

Pinayohan ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong gusali na pansamantalang iwanan ang kanilang mga bahay hanggang matapos ang imbestigasyon at assessment na isinasagawa ng Malabon BFP at City Engineering Office. 

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente ngunit naniniwala ang mga awtoridad na mahinang pundasyon ng gusali ang posibleng dahilan ng pagguho. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …