MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED ang beauty queen/philanthropist/singer, at actress na si Queen Charina Carmen sa kauna-unahan niyang pelikula, ang Coming Home directed by Neil Buboy Tan.
Gaganap siyang nanay nina Mygz Molino at Jeric Gonzales.
Makakasama niya rin sa pelikulang ito ang guwapo at talented na anak na si Gerald Josol gayundin sina Keanna Reeves, Janice Jurado atbp..
Tsika ni Charina, “It’s about family, OFW si Mygz dito, na star sa movie na ito.
“Pumunta po siya ng Hongkong para hanapin ang kapatid niyang nawawala kasi po ibinenta ng kanilang father.
“Si Gerald, ‘yung aking totoong anak ang gumanap na batang Mygz Molino.
“Si young Makoy si Jeric Gonzales noong lumaki na. So, makikita niyo rin po ‘yung transition being their mother, ako yung ina, pinatanda ako rito.
“At ito pong pelikula ay directed by Direk Neil Buboy Tan.
“Supposedly ang role ko rito, ano lang flashback, mawawala ‘yung mother nila.
“Kaso nagbago ‘yung isip ni direk Buboy noong nag-usap kami, noong shooting.
“So mula po noong nag-umpisa hanggang ending makikita niyo na po ako sa movie.
“Tuwang-tuwa naman kami sa nangyari masayang-masaya po ako. Maganda po ‘yung movie, ‘yun po ‘yung masasabi ko sa inyo.
“’Yung showing niya around July pa.”
Ang Star For All Season na si Vilma Santos ang idolo ni Charina.
“Maraming magagaling na artista, pero ang idol ko si Vilma Santos. Napakagaling na artista, napaka-well rounded, dancer din, leader din, good mom din ‘di ba?!
” Marami siyang movies na napanood ko, pero everyone really look up to her. We get something relevant or valuable na magagamit, hindi lang sa pagiging artista, kung hindi pagiging isang ina.”
Wala namang balak tumakbo sa politika si Charina katulad ng idolo niyang si Vilma.
“Naku wala, pero may chance na dati, pero gusto kong tumulong na hindi ako politiko na walang hinihintay na kapalit.”
Bukod sa pelikulang Coming Home ay nakatakda itong gumawa ng isa pang pelikula bago matapos ang taon.
Handa rin itong gumawa ng pelikula na kasama ang aktor na si Matthew Mendoza na nanligaw sa kanya noong kabataan nila sa Palawan.
“Siyempre po naman good friends po kami pati ng wife ni Chong (Matthew). We call him Chong.
“And their families were close to me, ‘yung sister niya bestfriend ng late sister ko.
“At saka sa Puerto Prinsesa very small place, magkakaibigan po.
“Si Chong and wife niya Ninong at Ninang ng anak kong si Gerald sa binyag.
“So they are very good friends with us, me and my husband, magkaibigang-magkaibigan po kami.
“Sometimes nagko-coffee, coffee kami ng wife ni Matthew.
Abala rin sa promotion ng kanyang bagong awitin na Carry On si Charina na siya mismo ang nag-compose.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com