Sugar Mercado Horizon Jeromy

Sugar at Jeromy wagi sa Stars On The Floor Season 2

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGI sa Season 2 ng Stars On The Floor sina Sugar Mercado at Horizon Jeromy.

Nag-uwi ng P1-M ang Ultimate Star Dance Duo na sina Sugar at Jeromy.

Nakalaban nina Sugar at Jeromy ng 16 weeks sina Jasmine Curtis-Smith at 1ST.ONE JokerRocco Nacino at KAIA SophiaPaul Salas at CALISTA Denise; at Chanty at ALAMAT Jao.

Pero sa huli ay dalawanf pares na lang ang naglaban—Sugar at Horizon Jeromy vs Chanty at ALAMAT Jao.

Pero ang tambalan nina Sugar at Jeromy ang umangat sa puso ng mga hurado na kinabibilangan nina Marian Rivera, Rayver Cruz, at Coach Jay Joseph Roncesvalles at sa boto ng  mga  manonood.