Matty Juniosa

Matty bigong tanghaling overall winner ng BGT

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING Pinoy ang nalungkot nang hindi si Matty Juniosa ang itinanghal na overall winner sa Britain’s Got Talent Season 19

Pumwesto lamang si Matty sa ikaapat sa Season 19 finale ng BGT.

Maraming umasa na masusungkit ni Matty ang grand champion lalo’t nakakuha ito ng dalawang Golden Buzzer sa buong kompetisyon na first time na nangyari sa history ng Britain’s Got Talent.

Sa grand finals ay inawit ni Matty ang Nothing Compares 2 U” ni Sinéad O’Connor. Na muling tumanggap ng standing ovation mula sa mga taong nasa venue. Maging ang mga hurado ay tumayo at pinuri ang magandang performance ni Matty.

Tinawag  nga ni Alesha Dixon na “effortlessly sensational” ang performance ni Matty.

Sabi naman ni Simon Cowell, “absolutely brilliant.”

Dagdag pa ni Simon, “I think we have all fallen in love with you from the minute we first met you… your personality, your talent, and you’re not afraid to take on these big songs.

“I think you couldn’t have done any more, genuinely.”

Samanta, itinanghal namamg champion ang  Hawkstone Farmers Choir nang makuha nito ang pinakamaraming boto mula sa mga manonood. Second naman ang drone art collective na Celestialat pangatlo ang Anastasiia & Salsa dance duo.