Wednesday , June 24 2026
Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan Mayor Christian Natividad.

Pareho kasing mahusay at de kaledad na aktor sina Jomari at Joko. Biro nga namin sa butihing mayor ng Malolos na magkamukha sila ni Jomari.

Ayon kay Mayor Christian, “If gagawing pelikula ang buhay ko, aba’y siyempre si idol ko! Dalawa idol ko, kung hindi si Jomari (Yllana), si Joko Diaz.”

Dagdag pa nito, “Si Joko barakong-barako eh, ‘pag nakita mo. At saka pareho ko na silang nakilala, maganda naman mga pagkatao ng mga ‘yun.

“’Yung isa po hindi pa ako mayor, ‘yung isa po mayor na ako (nang makilala ang dalawang aktor).

Noong araw pati kay Bong Revilla nakasama ako. Kasama ko roon si Michelle Aldana. Si Valentin, ‘yung batang sumikat sa ‘Eat Bulaga,’ ‘yung isa sumikat sa sexy film, si Gandong Cervantes.”

Habang sa hanay naman ng mga artistang babae ay ang Kapuso star na si Rhian Ramos ang hinahangaan ni Mayor Christian, dahil bukod sa maganda ay napakahusay nitong artista.

Ikinuwento rin ni Mayor Christian kung paano siya napasabak sa paggawa ng pelikula.

Kasi po dati kasama ako sa mga play dito, teatro, once naman yata o twice. Siguro may nakakita sa akin doon hinahatak-hatak ako,” paglalahad ng mayor.

Pero hindi nagtuloy-tuloy ang pagpasok nito sa showbiz dahil hindi naman niya hilig kaya naman napasabak ito sa politika dahil nasa puso ang pagtulong at pagseserbisyo sa kanyang mga kababayan sa Malolos, Bulacan. 

Pero hindi ko naman talaga hilig, at saka alam kong ‘di naman ako qualified ‘di ba? Maraming mas guwapo,” pabirong pahayag pa ni Mayor Christian. 

Samantala, malayong kamag-anak naman ni Mayor Christian ang aktor na si Nikko Natividad.

Medyo malayo, pero kaunti lang naman kaming Natividad dito.”

Balak ding mag-produce ng mga short film at ituloy ang pansamantalang nahintong film festival (Sine Republika #CinemaLolos) sa kanilang bayan dahil sa pandemic noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …