Monday , April 15 2024
Bulacan Police PNP

10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan

MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga police stations ng Balagtas, Baliwag, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Obando, San Miguel, at Sta. Maria.

Kinilala ang mga suspek na sina Sherwin Sedutan alyas Win; Mark Jayson Padua; Aaron Villarico, alyas Ron; Ronnie Rollon; Rey Rafaela, alyas Sano; Wilfredo Crisostomo, alyas Tirok; Angelito Reyes, alyas JR; Edgar Valderama, alyas Arabo; Rommel Salvador alyas Omeng; at Ruther Baltazar.

Nakompiska mula sa mga suspek ang kabuuang 24 pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Kasabay din nito, nasakote sa serye ng manhunt operation na ipinatupad ng tracker teams ng mga police stations ng Baliwag, Meycauayan, at San Jose del Monte ang apat kataong pinaghahanap ng batas.

Dinakip ang mga akusado sa mga kasong Simple Arson and Qualified Theft; Slight Physical Injuries; siyam na bilang ng kasong Falsification of Commercial Documents; at paglabag sa Sec 22 (a) kaugnay sa Sec 22 (d) ng RA 8282 (Social Security Act of 1997).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations ang lahat ng mga nadakip na akusado para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Isko Moreno

Yorme Isko tiniyak ‘di na tatakbo sa halalan 2025

I-FLEXni Jun Nardo SARADO na ngang talaga ang pinto ng politika kay Isko Moreno Domagoso kahit nasa …

COPA Swim Series Leg 3 RMSC Eric Buhain

COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC

TULOY ang pagtuklas sa mga bagong talento sa isasagawang National Capital Region (NCR) One For …

Marilag Festival Sta Maria Laguna

Mula 11-14 Abril 2024
IKA-11 MARILAG FESTIVAL SA STA. MARIA, LAGUNA   INAASAHANG DARAYUHIN

TAMPOK ang iba’t ibang produktong agrikultural at iba pang by-products, sa pagdiriwang ng mga taga-Sta. …

Bulacan Police PNP

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal …