Saturday , July 27 2024
Ali Forbes Clean Air

Ali Forbes matagal nang supporter ng clean air movement ni Doc Mike

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TUMALIMA naman ang mga naanyayahang dumalo sa ipinatawag na festive event ni Dr Michael Raymond Aragon, na siyang Chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) sa kanto ng Sct. Borromeo at EDSA noong Bonifacio Day.

Isyu tungkol sa climate emergency ang tinalakay ng mga naanyayahan ni Dr Mike sa nasabing okasyon. 

Nakiisa rin ang celebrities na nagpahayag ng kanilang suporta sa mala-rebolusyonaryong pakikibaka at pakikipaglaban ng grupo para sa climate change.

Nagbigay ng suporta ang mga gaya nina Lance Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes sa pag-apila sa mga sinasabing polluters na bawasan na ang kanilang carbon footprints nang kahit paano ay makaiwas sa deadly effects ng climate change.

Ang Pilipinas ay hindi carbon polluter na bansa dahil sa pananaliksik, ang greenhouse gas emissions  ay less than 1 per cent (0.03% lang) kompara sa industrialized nations na gaya ng Tsina  Amerika, India at marami pa.

Ang lead convener ng multi-sector na grupo ay ang environmental watchdog na CLEAN AIR PHILIPPINES MOVEMENT, INC.

Tayo ngayon ay nasa proseso ng paghahain ng trillion dollar class suit laban sa mga polluter countries  sa buong mundo. And to hold them responsible sa lahat ng epektong idinulot nito sa climate change ng ating bansang Pilipinas,” ayon kay Olarte.

Ang international class suit ay ihahain sa international tribunal laban sa highly industriized carbon polluter  na mga bansa gaya ng Amerika, Tsina, India…to hold them legally accountable  sa nging makamandag na epekto nito hindi lang sa bansa kundi sa mundo,” dagdag pa ng doktor at abogado rin.

Kaya hihingi sila ng sizable amount sa ating pamahalaan para magamit sa mitigation, adaptation, at resiliency programs.

Speaking of Ali, matagal na pala itong suporter ng climate change with Doc Mike.

“Taong 2012 pa kami magkakasama nina Doc sa mga show at ‘yan na ang pinalaganap namin. Kumbaga, pagsisimula ng isang rebolusyon gaya ng sabi niya. Na ngayon umabot na sa pag-file ng class suit.”

Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay gaya ng pag-iwas sa paggamit ng plastic, mga munting balot ng kendi ay isine-segregate sa mga bulok at hindi nabubulok, ang pagtatanim at marami pa.

Nakatapos na pala ng isang proyekto sa Saranggola Media si Ali, ang Erotika at may sisimulan naman sa Mamay Productions, ang Lanao.

About Pilar Mateo

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …